SAMANTALA, unti-unting lumayo ang sasakyan na sakay si Cassidy, na punong-puno pa rin ng pag-aalala at pagdududa.Sa kabilang banda, sa tulong ni Tito Fran, nakabalik si Czarina sa picnic mat at muling umupo para magpahinga.Sumunod sa kanila si Wendy. Noong una, hindi niya maintindihan kung bakit parang ang bagal nilang maglakad.Pero nang ilabas ni Tito Fran ang first-aid kit, saka niya napagtanto na nasugatan pala si Czarina at malaki na ang nawalang dugo nito.“Oh my God, gawa ‘to ng babaeng ‘yon?”“Sino pa ba?” wika ni Zari.Habang nag-uusap sila, maingat na ginamot ni Tito Fran ang mga sugat ni Czarina.Napangiwi si Czarina sa hapdi at napangiwi rin si Wendy habang pinapanood siya.“Ang lalim! Hindi pa ba tayo pupunta sa ospital?”“If I really need to go to the hospital, you’ll take me.” Bahagyang ngumiti si Czarina. “Pero kakayanin mo ba? Don’t you think, tito?”Sinubukan ni Czarina na i-lighten ang mood. Ngumiti siya kay Tito Fran habang nagsasalita, pero hindi ito sumagot.Sa
続きを読む