613 - “TIANTIAN.”Mabilis siyang lumapit sa stroller at lumuhod sa tabi nito. Agad niyang inabot ang bata, akmang yayakapin ito.Ngunit bago pa niya magawa iyon, agad na hinarangan siya ng ina ng bata at niyakap nang mahigpit ang anak.“Are you crazy?! Bakit mo kinukuha ang baby ko?”Napatingin si Czarina sa babae, tila hindi maintindihan ang sinasabi nito.“Ano’ng ibig mong sabihin na baby mo?” nanginginig niyang tanong. “Anak ko ’to. Si Tiantian siya!”“Anong Tiantian? Hindi ko alam kung sino ’yang sinasabi mo!” Namumutla ang babae sa takot. “Lumayo ka sa anak ko, kung hindi, tatawag ako ng pulis!”“Hindi, hindi…” Umiling si Czarina, pilit na inaabot ang bata. “Tiantian, si mama ’to…”“Zari!”Mabilis na tumakbo si Wendy papunta sa kanila at agad na hinawakan si Czarina sa braso.“I’m so sorry,” mabilis niyang sabi sa ina ng bata. “Nagkamali lang po siya. Napagkamalan niyang anak niya.”“Napagkamalan?!” Galit na napatingin ang babae kay Czarina. “Gano’n na lang? She tried to take my
Read more