SA ISANG MADILIM NA KWARTO, may isang babaeng nakasuot ng wedding dress na nakaupo sa tabi ng bintana, malayo ang tanaw at walang emosyon ang mukha.Sa tabi niya, malamig na ang pagkain.“Miss, oras na po ng pagkain,” matiyagang paalala ng maid na nag-aalaga sa kaniya.Hindi man lang gumalaw ang babae.“Please, kahit kaunti lang. Kapag hindi ka kumain, mapapagalitan kami ni Sir.”Nanatiling tahimik ang buong kuwarto.“Miss, please. Nakikiusap ako. Kahit isang subo lang. Please, maawa ka naman sa akin…”Dahan-dahang inilapit ng maid ang plato, umaasang baka maengganyo ang babae sa amoy ng pagkain.Pero dahil nanginginig ang kamay niya, aksidenteng natapon ang kaunting sabaw sa wedding dress ng babae.Dahil doon, dahan-dahang napalingon ang babae.At nang tuluyang makita ng maid ang mukha nito, nanlamig siya.Biglang nag-iba ang expression ni Cassidy. Punong-puno ng galit ang mukha niya habang mabilis niyang inabot ang leeg ng maid at mahigpit itong sinakal.“Dinumihan mo ang wedding dr
Read more