KINABUKASAN, matapos ang isang gabing pahinga, naghanda na ang lahat para umuwi.Napansin ni Wendy ang turtleneck ni Czarina at nang asarin niya ito, naging makahulugan naman ang ngiti ni Damion. Pinaningkitan lang sila ng mata nito saka naghanda ng umalis.Bago pa sila makaalis, biglang naalala ni Wendy na nakalimutan niyang mag-picture. Mabuti na lang at may ilang kuha si Enzo, kaya natuwa siya at hiniling na ipadala ang mga larawan sa kaniya. Matapos ang munting aberya, naghanda na si Czarina na sumakay sa kotse habang karga si Tiantian.Napansin ni Alejandro na matamlay ang manugang kaya inalok niyang kargahin ang apo.“Kung may sipon ka, magpahinga ka nang mabuti. Doon ka sa likurang upuan umupo at umidlip mamaya. Ako na ang bahala kay Tiantian.”“No, I don’t think so.”“It’s alright. You can rest as much as you want.”Hindi na nagawang tumutol ni Czarina nang magdesisyon si Alejandro para sa kaniya. Bago pa siya makapagsalita, naunahan na siya ni Damion.“Wife, are you feeling
Read more