“...THEN MAKE HIM WANT TO KNOW YOU BETTER.”“Huh?” Napakamot ng ulo si Wendy. “Ang hirap naman.”“Hindi naman mahirap. Sa ngayon, stop attending his classes.”“Bakit?”“Classic playing hard to get. Araw-araw kang pumapasok at lagi ka pang nasa prominent seat, so obviously, matatandaan ka niya kahit papaano. Ngayon, bigla kang hindi papasok. Mapapaisip siya kung bakit.”Blanko ang mukha ni Wendy habang tumatango, parang naiintindihan niya pero hindi rin sigurado.Hindi naman nito napigilan ang enthusiasm ni Czarina sa pagtuturo.“After two or three missed classes, saka ka bumalik. For sure, mapapansin niya na absent ka dati. Baka maisip niya kung may pinagkaabalahan ka ba or may problema ka sa subject niya. Then during break, you can casually ask him something about the lessons. From there, magkakaroon kayo ng chance na mag-usap at mas makilala ang isa’t isa. See? Hindi na awkward na bigla mo siyang kausapin ulit.”Napakunot-noo si Czarina nang makita ang blankong mukha ni Wendy.“Hey,
Read more