Tina,"** malumanay niyang simula, **"kailangan mong alagaan ang sarili mo, ha? Hindi lang para sa’yo, kundi para rin sa baby mo… at para kay Justin."** Napatingin ako kay Justin na nakaupo sa tabi ko, mahigpit pa ring hawak ang kamay ko. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala at pagmamahal. **"Alam kong excited ka at marami kang gustong gawin, pero huwag mong kalimutan na maselan pa ang pagbubuntis mo. Kailangan mong magpahinga at kumain nang tama. Huwag mong i-stress ang sarili mo, lalo na’t ayaw nating magkaroon ng komplikasyon,"** dagdag pa ng doktor. Napabuntong-hininga ako at tumango. **"Opo, Doc. Mag-iingat na po ako."** Ngumiti ang doktor at tumingin kay Justin, na tila nagbibilin din sa kanya. **"Justin, mukhang ikaw ang magiging number one na bantay niya ngayon. Ikaw na ang bahala sa kanya."** Tumango agad si Justin, mahigpit na hinawakan ang kamay ko at ngumiti. **"Oo naman, Doc. Kahit saan, kahit kailan, hindi ko siya pababa
Last Updated : 2025-11-10 Read more