"Then, wala nang problema!" deklarang sabi ni Laica, sabay tapik sa balikat ko. "Huwag kang magpapa-stress, buntis!!" Napabuntong-hininga ako at bahagyang tumango. Alam kong tama sila. Hindi ako dapat magpaka-stress lalo na’t may dinadala akong bata sa sinapupunan ko. Pero kahit anong pilit kong alisin ang kaba sa puso ko, andoon pa rin ito, bumibigat sa bawat segundo ng katahimikan. "Hay naku, Tina," dagdag ni Loury, "kung gusto mong malaman ang totoo, huwag kang matakot magtanong. Hindi ka naman siguro kakainin ni Justin, noh?" "Oo nga!" second ni Franz. "Aba, kung ako buntis, ipapa-massage ko na lang sarili ko at kakain ng ice cream, hindi yung mag-iisip ng kung ano-ano!" Napangiti naman ako kahit papaano sa sinabi nila. Totoo naman. Bakit nga ba ako magpapaka-stress kung pwede ko namang diretsahang tanungin si Justin? "Okay, fine," sagot ko sa kanila. "Kakausapin ko siya mamaya pag-uwi niya." "Ayan! Ganyan nga!" sabi ni
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-16 อ่านเพิ่มเติม