“HINDI ba talaga ako p’wedeng sumama?” tanong ni Leandro kay Francesca. Kausap niya ito sa kabilang linya. “No. Lakad namin ito, kaya kami lang muna.” Sinabi niya kay Leandro na gusto niyang ilabas ang tatlong bata at sila-sila lang. Noong una ayaw nito dahil hindi ito kasama. Pero nang naipaliwanag na niya ang gusto niyang mangyari, pumayag na rin ito kahit dama niyang labag pa rin iyon sa kalooban ng lalaki. “Eh, nanalo kami ni Alejandro, hindi ba? Can I use it now?” hirit pa nito. “No! That’s cheating! Sumbong kita sa mga anak natin, sige ka.” “Fine! Fine! Ayoko ng masermunan. Baka mamaya, hindi na ako imikan ng mga bata.” Ngumiti siya. “Alam mo naman pala, eh, kaya huwag ka ng pumilit.” “Yeah, right!” “Oh, kabilis nam
Terakhir Diperbarui : 2025-10-12 Baca selengkapnya