PAGKATAPOS maghapunan, pinaderetso ni Leandro ang mga bata sa kaniyang opisina. Doon niya gustong kausapin ang mga ito.Gusto sana niyang naroroon din si Nanay Mercy para may kasama siya sa pagpapaliwanag sa mga ito, ngunit mas pinili niyang harapin sila nang nag-iisa. Mas maigi sigurong sila-sila lang mag-aama, para mas maunawaan niya ang magiging reaksyon ng mga ito. Baka rin mahiyang magsalita ang mga ito kung may iba silang kasama.Kani-kaniyang upo ang mga ito sa upuan na nasa harapan ng mesa niya. Tumikhim muna siya bago tiningnan ang mga ito isa-isa.“I wanted to talk to you guys because there’s someone who wanted to see you. . .” umpisa niya.Nagkatinginan ang tatlo, pagkakuwa’y unang nagtanong si Enrico, “Sino, Dad?”Sunod-sunod na buntonghininga ang pinakawalan niya bago ito sinagot, “Your mother.”Nagpalitan ng tingin ang mga ito, pagkatapos ay tinitigan siya. Walang ni isang nagsalita. Nang lingunin niya si Jacob, may naaaninag siyang kalituhan sa mga mata nito. Sa kanilan
最終更新日 : 2025-09-29 続きを読む