“HMMM . . . Try this, Daddy.” Napangiwi si Leandro nang makita ang kinuhang long sleeves polo ni Jacob. “Orange?” “Or this one,” sabi naman ni Alejandro na ang hawak naman ay kulay green. “No. Not that both, Dad. Orange is too lively, while green looks boring on you.” Umalis sa pagkakasandig sa dingding si Enrico, sa loob ng kaniyang closet, at kinuha ang kulay light blue na long sleeves. “You look perfect with this color.” Nakahinga siya nang maluwag sa tinurang iyon ng anak. May date sila ni Francesca at syempre, hindi iyon nakaligtas sa kaalaman ng mga ususero niyang mga anak. Kapag si Jacob talaga ang pinagsasabihan ni Francesca, hindi puwedeng hindi malalaman ng dalawa. Hindi niya alam kung tama ba iyon, pero napapansin niyang nagiging overly involved ito sa relasyon nila.
Last Updated : 2025-10-07 Read more