“ALRIGHT! Kailangan po nating makita na sumasayaw ang lahat, ha. Not counted kapag hindi. Game?” anang host na kinuha ni Francesca. “Yeah!” Muling pumailanlang sa ere ang maharot na tugtugin. Kahit hindi magaling sumayaw si Jacob, pinipilit nitong sabayan siya. Naririnig niya ang malakas na tawanan sa paligid, lalo na at hindi rin magkaintindihan ang mga paa ni Leandro sa pagsayaw. Si Enrico, hindi rin gasinong marunong. Si Alejandro, may ibubuga naman. At si Stephanie, halos kasinggaling niya. Nang tumigil ang tugtog, mabilis silang nagyakap ni Jacob— kagaya ng mga kalaban nila. “One, two, three, four, five!” pagbibilang ng host para malaman kung sino ang matitira. “Aba, aba! Mukhang matindi ang labanan. Okay! Itupi na ulit ang mga dyaryo!” Madali namang sumunod ang mga nag-a-assist para
Last Updated : 2025-11-03 Read more