Hindi ko lubos akalain na mangyayari ito. Ang babaeng pilit naming iniiwasan ni Ninong Sebastian ay nasa harapan na namin, kasabay naming kumain at masayang kausap ang nanay ni Ninong.Saglit kong tiningnan ang mukha ni Ninong noon, gusto kong tingnan kung ayos lang ba siya. Pero, iba iyong nakita ko. Galit na galit ang itsura niya at parang hindi na niya iyon mapipigil pa.Wala naman akong magawa dahil bukod sa malayo kami sa isa't isa, ramdam ko na hindi rin magugustuhan nina Claire at Tita Felicia na makita na ganoon kami sa harap nila. Tahimik lang akong nakaupo habang kumakain, paminsan-minsan ay napapansin ko na tumitingin si Ninong Sebastian sa akin pero pilit kong tinatago iyon dahil baka mapansin ako ni Claire.“Oo nga pala, anak. We are going to have a party this weekend. I invited Claire to be there for us,” sabi ni Tita Felicia na labis naming kinagulat ni Ninong Sebastian.“Party? For what, Mom? Hindi niyo naman po birthday, di ba?” sabi ni Ninong Sebastian. “It’s just
Huling Na-update : 2026-08-28 Magbasa pa