(Alina’s POV)Inayos pa niya ang lipstick niya pagkatapos ay nakapamewang. Napahinto ako. Wala sa tono niya ang kabaitan; may halong pang-aasar sa bawat pantig.“Ah… opo,” mahinahon kong tugon. “Pasensya na po, aalis na sana ako.”“Hindi mo kailangang mahiya,” sabi niya, humarap siya sa akin habang nakataas ang isang kilay. “Hindi ko naman kinakain ang mga inosenteng bata.”Pinilit kong ngumiti, pero ramdam kong may panginginig sa labi ko. “Hindi naman po ako bata, Miss Claire. Pero salamat po sa babala.”Tumawa siya nang mahina, pero mapanlait. “Ang tapang mo rin pala. Alam mo, ang ganda mo. I get it now, kung bakit mukhang interesado sa’yo si Sebastian.”Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. “Wala pong gano’n,” sagot ko agad. “Si Ninong Sebastian po—”“Ninong,” putol niya sa akin, nilalapit ang mukha niya. “Tawag mo nga siyang Ninong, pero iba ang tingin mo sa kanya, hindi ba?”Napalunok ako. “Hindi po totoo ‘yan.”“Oh, please,” sabi niya, naglakad palapit pa. “Nakikita ko kung
Terakhir Diperbarui : 2025-10-20 Baca selengkapnya