“Maddison, another 13 points! Mason, plus 3 points!” Kahit pa nakuha ng grupo nila Mason ang pangalawang puwesto mula sa katatapos lang na push-up competition, 3 puntos lang ang nadagdag sa kanila dahil sa negative 3 na puntos nila kanina.Nang nakita ni Mason na nasa huli pa rin siya, biglang nalungkot ang kanyang mukha. “Noon, si Mama lang ang sumasama sa akin at kay Maddison sa ganitong activity, pero palagi kaming first place!” pagkatapos ay binalingan niya ang ama at ang tiyahin, “Papa, Dude! Bakit hindi n’yo kayang tapatan ang kayang gawin ng babaeng ‘yun?!”Puno ng galit at sama ng loob si Mason, hindi pa siya kailanman nakaranas ng ganitong kahihiyan. Sa unang pagkakataon, nagduda siya sa kakayahan ng ama at ni Ingrid.Malamig na sumagot si Caleb., “Huwag mo nga sa akin isisi ang mababang score mo. Ikaw ang nakawala ng timba sa unang round, hindi ba? Kaya may negative tayong puntos!”Kumunot naman ang noo ni Mason, tila nag-iisip. “Eh ikaw ang hindi sumali sa kangaroo jump
Last Updated : 2025-11-21 Read more