Pero hindi man lang natinag si Raven sa sinabing iyon ni Elcid. “Sa isang buwan, pipirma na ng kontrata ang Papa ko sa Micron Technology, kaya makukuha ko na ang Santana Technology sa loob ng isang buwan,” sagot ni Raven.Maraming nagulat sa sinabi ni Raven. May ilan pa ngang literal na napanganga. “Good!” sabi ni Elcid.“Wait, wait, wait…” sabi ni Chairman Hans Vergara, “kung makakaya ni Ms. Santana na makuha ang Santana Technology within a month, so… gusto ko siyang alukin na Chief Technical Advisor ng Chi Cha Pueh Company ko. Name your price. Salary, benefits, bonuses, incentives. Name it!”“Chairman Vergara!” saway ni Mrs. del Mar sa matanda, tapos ay hinarap si Raven. “Ms. Raven, kung magagawa mong i-secure ang Santana Technology, sana ay i-consider mo rin ang pagtuturo sa St. Andrew’s University.” “Mam?” “Oo, Raven. Ilang tao ang kailangan mo sa reserach team? Sabihan mo lang ako. Laboratory? Pagagandahin ko ang lab mo. State of the art, kumpleto. Lahat ng kailangan mo, ipap
Last Updated : 2025-11-10 Read more