Pinili ni Caleb na huwag ng sagutin ang tiyuhin. Ipininid niya ang mga labi. Pero ang pananahimik niya ay hindi ulit nagustuhan ni Elcid. “Caleb, kung naiintindihan mo ang sinabi ko, sumagot ka ng Okay.”Napilitang sumagot si Caleb. “Okay,” sabi niya sa mahinahong boses.Kung titingnang mabuti, mukha siyang isang heneral na natalo sa digmaan, lugmok at wala ng lakas para lumaban.Nang narinig ni Elcid ang sagot ni Caleb, itinuloy na niya ang paglabas, kasunod sila Raven at Maddison.“Prof Elcid, maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin sa gulo na napasukan ko,” sabi ni Raven habang binabagtas nila ang daan patungo sa lobby.
Terakhir Diperbarui : 2025-11-05 Baca selengkapnya