Upang hindi tuluyang mabaliw si Rox sa kakaisip kay Darcos, pinilit niyang libangin ang kanyang sarili. Kinabukasan, naisipan niyang tumulong sa mga gawain sa mansiyon. “Ate Marites, ako nang gagawa niyan,” aniya sa kasambahay, nang makita itong nagdidilig ng mga halaman. "Naku ma'am, hindi po pwede. Bilin ni Sir Darcos na ’wag kayong pagtrabahuin,” ani Marites. "Tsk, wala naman siya rito, eh. Hindi niya ‘to malalaman,” pagpupumilt ni Rox. "Kahit na po, ma'am. Marami pong hidden camera ang nakapalibot rito sa mansyon. Namo-monitor po ‘yon ni Sir Darcos,” giit ani Marites, at tumalikod na agad ito, hila-hila ang hose. Si Rox naman ay nakapamewang na lamang sa inis. Tapos nakataas kilay niyang pinagmamasdan ang mga naka-install na CCTV camera sa paligid. Maya-maya, bigla siyang nilapitan ng asong si Frodo, at kinagat nito ang kanyang jorts. “Uy, Frodo bakit? Sa’n mo ‘ko dadalhin?" aniya nang hilahin siya ng aso. Dinala siya ni Frodo sa may bodega, at narinig niya agad na may a
Last Updated : 2025-09-18 Read more