(Casa Ruggieri Beach Resort, Batangas) “Uhm, darling. This is Marlo, my secretary," Darcos introduced with a smile habang nakaakbay siya kay Rox. Kararating lang nila at nasa likod lang ang sinakyan nilang chopper kanina. Marami ring bodyguard na nakapalibot sa kanila at kasama na ang caporegime na si Alex. “Hi, ako si Rox." May ngiti nitong inabot ang kanang kamay para makipag-hand shake sa baklang si Marlo. “Nice meeting you, Miss Rox. Hmm... kaya naman pala hindi na mainitin ang ulo ni Sir ngayon. May nagpapakalma na pala sa kanya, at may pa-vication pa siya ngayon sa ‘kin,” ani Marlo sa mala baklang boses, at bakas ang saya sa mukha nito. "Uhm, by the way, Marlo. Ikaw na muna bahala kay Rox. Ime-meet ko lang ang mga investor dito,” bilin ni Darcos. “Okay, sir, no problem. I'll take care of your baby loves,” kinikilig na sabi ni Marlo. Darcos faced Rox, and gently kissed her forehead. “I'll be quick darling, okay? Hintayin mo lang ako sa room natin,” may kahulugan niyang
Last Updated : 2025-10-11 Read more