"Nasa'n ka na ba, Darcos? Ba't hindi ka pa umuuwi?” Napa-praning na si Rox, sa kakaisip, habang palakad-lakad ito at ‘di mapakali. Alas onse na nang Gabi, pero nasa labas pa rin siya ng mans’yon. Nakatayo siya sa may fountain, at hinihintay ang pag-uwi ni Darcos."Naku, nandito ka lang pala, hija." Napalingon naman agad siya nang marinig ang boses ni Manang Cora.“Halikana sa loob, hija, at masyadong malamig dito sa labas,” dagdag pa ng matanda."Okay lang po ako rito, manang. Hihintayin ko pa po si Darcos,” sabi lang ni Rox. “Hindi pa po ba siya tumatawag, manang? Nasa'n na raw ba sila? Anong oras na kasi, eh," tanong pa ng dalaga, at bakas sa mukha ang pag-aalala.“Hija, kumalma ka lang. Minsan talaga ginagabi na masyado nang uwi si Sir Darcos,” kalmadong sagot ng matanda.“Pero manang, kinakabahan kasi ako, eh. Pa'no kung may nangyaring masama sa kanila? Kasi putok ng baril ‘yung narinig ko kanina, eh.” Tila ‘di pa rin kampante si Rox.“Hija, alam kong nag-aalala ka, pero magtiwa
Last Updated : 2025-10-02 Read more