Ang lobby ng Castillo Group ay tila tumigil sa pag-ikot nang bumukas ang dambuhalang glass doors. Unang humakbang ang makintab na black stilettos, kasunod ang isang ivory power suit na saktong-sakto sa hubog ng katawan ni Althea Velasquez-Castillo. Sa tabi niya, suot ang kanyang signature charcoal gray suit, ay si Sebastian. Hawak ni Sebastian ang bewang ni Althea, isang protektibong hawak na nagsasabing, "Akin ang babaeng ito, at huwag niyo siyang tititigan nang matagal." "Good morning, Mrs. Castillo!" halos sabay-sabay na bati ng mga employees na nakahilera sa gilid. Ngumiti nang matamis si Althea, ang aura niya ay mas nag-mature at mas naging elegante kumpara noong intern pa lang siya na laging natataranta sa harap ni Sebastian. "Good morning, everyone. It’s good to be back," sagot niya bago sila pumasok sa private elevator. Pagkasara pa lang ng pinto ng elevator, agad na isinandal ni Sebastian si Althea sa dingding at hinalikan ito nang mabilis pero puno ng gigil. "Bash! Ang C
Last Updated : 2026-03-04 Read more