Share

BOOK 2: THE CASTILLO LEGACY

Author: Bookie
last update publish date: 2026-05-29 00:29:10
​(The Heirs: Sequel of Owned by the Playboy CEO)

​"The kings have stepped down, but the princes have just begun to play."

​PROLOGUE: THE PLAYBOY'S DESTINY

​Dalawampung taon ang lumipas, ngunit sa elite circle ng Maynila, tila tumigil ang oras sa pagiging perpekto... at pagiging mapanganib.

​Ang mga dating "Kings" na sina Sebastian Castillo, Jace Villarreal, Drake Monteverde, at Dylan Alcantara ay nananatiling mga haligi ng kapangyarihan at yaman sa bansa. Sila ang mga orihinal na playboy
Bookie

Surprise, Ka-Bookies! Salamat sa napakakulit kong editor dahil tinulak niya akong dugtungan ang Castillo universe. Heto na ang PART 2: THE CASTILLO LEGACY! ​Ihanda ang inyong mga puso sa pitong bagong elite heartbreakers ng Manila: sina Seth Axel, Asher Stefan, Duke, Dwayne, Jayden, Kian Kyler, at Ryker Blake! Makakasama rin natin ang ating 'Lady Boss' na si Astrid Selene at ang dyosang 'Princess' na si Zianna Jade—ang sikat na Nursing student at model/actress. ​Walang seryosong drama rito, Bes! Purong asaran at kilig kung paano ko pauubusin at papaibigin ang pitong playboys na ito kada 30+ chapters. Handa na ba kayo? ​Scroll down na para sa Chapter 1!

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bookie
Maraming salamat po sa inyong love at patience. Naiintindihan ko po ang naramdaman ninyo noong matagal ang updates. Tapos na po ang kuwento nina Seb at Thea, at ngayon ay next generation na po ang ating adventure. Sana po ay samahan ninyo pa rin ako hanggang dulo. ...
goodnovel comment avatar
Ann Ponsaran
sana tuloy tuloy ang update at wag matulad sa story ni seb at thea na napagiwanan na at d naupdate ng napakatagal sobrang tagal ng update nakakalimutan na yung story maganda pa naman
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)   Chapter 66

    ​Mabilis na tinatahak ni Reagan Avery Mendez ang makintab na sahig ng Emergency Room habang ang tunog ng kanyang sapatos ay sumasabay sa mabibigat at nagmamadaling yabag ng anim na lalaking sumusunod sa kanya. Si Asher, ang kambal ni Seth, ay mukhang bangkay sa sobrang putla; nanginginig ang mga labi habang mabilis na kinakapa sa bulsa ng kanyang jacket ang kanyang smartphone.​Nanginginig ang mga daliri ni Asher habang pinipilit i-dial ang numero ni Seth. Umaasa siya, nagdarasal, na baka false alarm lang ang lahat ng ito—na baka nag-iimbento lamang ng kwento ang mga OJT nurse sa labas, at si Seth ay ligtas na natutulog o nagmamaneho pa sa ibang lugar.​“Come on, Seth… pick up the phone. Siraulo ka, sagutin mo tawag ko!” sigaw ni Asher sa sarili habang nakatutok ang telepono sa kanyang tenga.​“The subscriber you are calling cannot be reached, or is outside the coverage area…”​Isang malamig na automated voice ang sumalubong sa kanya.​“WHAT THE FUCK?!” malakas na mura ni Asher na uma

  • Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)   Chapter 65

    Nakatayo si Reagan Avery Mendez sa semento sa tapat ng ospital, habang ang anim na lalaki—sina Asher, Dwayne, Kian, Jayden, Duke, at Ryker—ay pare-parehong naghihintay sa bawat galaw at pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng dalaga. Kitang-kita ni Asher ang bahagyang panginginig ng mga kamay ni Avery habang mahigpit nitong hinahawakan ang kanyang clipboard, patunay na kahit anong pilit nitong magmatigas at magpanggap na blangko, ang balita tungkol sa ginagawang pagpapakamatay ni Seth sa kalsada ay tumagos nang diretso sa kanyang sistema.​"Avery..." basag ni Asher sa katahimikan, mababa at halos pabulong ang boses habang nakikiusap. "Alam kong galit ka pa rin. Alam kong nasaktan ka nang sobra sa nalaman mo. Pero si Seth... hindi na nag-iisip ng tama ang kambal ko. Kung may natitira pa kahit kaunti sa pusong 'yun para sa kanya, pakiusap... tulungan mo kaming pigilan siya bago pa siya tuluyang mamatay sa isa sa mga karerang 'yun."​Humihingal si Dwayne habang nakaluhod pa rin sa semento, y

  • Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)   Chapter 64

    Mahigpit ang hawak ni Asher sa manibela ng kanyang sasakyan habang nakapark sila sa labas ng ospital kung saan nagduduty si Reagan Avery Mendez para sa kanyang clinical hours. Kasama niya sina Dwayne, Kian, Jayden, Duke, at Ryker. Ang anim na lalaki na kilala sa CIU bilang pinakamagaganda, pinakamayayabang, at walang-galang na playboys ay mukhang mga basang sisiw ngayon na nag-aagawan sa kung sino ang unang magsasalita kay Avery. ​"Kapag kayo sumablay at nadagdagan pa ang galit ng babaeng 'yon, isasako ko na kayo isa-isa at itatapon sa ilog Pasig," pananakot ni Asher habang seryosong nakatingin sa glass door ng ospital. ​"Bro, kalma lang. Kami nang bahala rito. Si Dwayne ang magsisilbing front-liner dahil siya ang may kasalanan ng lahat ng 'to," bulong ni Kian habang tinutulak si Dwayne sa may passenger seat. ​"Teka! Bakit ako na naman?!" protesta ni Dwayne habang namumutla at nanginginig ang mga kamay. "Hindi ba dapat si Asher bilang kambal ang nauuna? Paano kung tusukin agad ak

  • Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)   Chapter 63

    Isang linggo. ​Pitong araw mula nang gumuho ang mundo ni Seth Axel Castillo sa covered walk ng unibersidad. Pitong araw mula nang marinig niya ang pinakamalamig na mga kataga mula kay Reagan Avery Mendez: “Wala ka nang makikitang kahit anong reaksyon mula sa akin.” ​Sa loob ng pitong araw na 'yun, hindi na nakitang lumapit si Seth sa College of Nursing building. Tumigil na siya sa pagdadala ng kape at pastry. Wala na ring mga bulaklak o harana. ​Subalit ang pagtigil ni Seth sa panliligaw ay hindi nangahulugang bumalik siya sa dating buhay ng isang masayang playboy. Sa halip... lumubog siya sa isang mas madilim, mas delikado, at nakakakilabot na mundo. ​ ​Sa labas ng lungsod, sa isang abandonadong industrial zone kung saan ang mga kalsada ay madilim, basag-basag, at walang ilaw, nagaganap ang pinakamatindi at pinakamapanganib na underground illegal street racing. Ito ang tipo ng karera na hindi na para sa premyo o katanyagan—ito ay karera para sa kaligtasan, kung saan ang isang ma

  • Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)   Chapter 62

    Ang tahimik na paligid sa covered walk ng unibersidad ay tila binalot ng makapal na yelo matapos ang matinding rebelasyon. Wala ni isa sa mga estudyanteng nakasaksi ang naglakas-loob na huminga nang malalim. Ang dating nag-aapoy na selebrasyon ng panliligaw ay biglang naging isang madilim na eksena ng pagkadismaya at durog na tiwala. ​Si Seth Axel Castillo ay nakaluhod pa rin sa malamig na semento. Ang kanyang mukha na dati ay laging may mayabang at pormang ngisi ay basang-basa ngayon ng luha. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakahawak pa rin sa gilid ng damit ni Reagan Avery Mendez. ​Subalit ang mga mata ni Avery—ang mga matang minsan ay nagpakita ng unti-unting paglambot para sa kanya—ay blangko na, malamig, at punong-puno ng latay ng sugat na gawa ng pagtataksil. ​"Bitawan mo na ako, Castillo," malamig at pormal na wika ni Avery. Ang boses nito ay walang bahid ng pag-iyak; sa halip, ito ay tumutusok nang direkta sa kaluluwa sa tindi ng pagka-cold. ​"Avery... please..

  • Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)   Chapter 61

    Isang linggo ng pagtitiis, sakripisyo, at pagpapatunay ang isinuko ni Seth Axel Castillo para lamang makuha ang matamis na "oo" mula kay Reagan Avery Mendez. Ang dating maangas na Playboy King ay nagbago—walang karera, walang club, simpleng sasakyan, at pusong buong-pusong nakatutok sa Future Nurse. ​Ngunit gaya ng anumang madilim na lihim na pilit itinatago sa ilalim ng nagniningning na tagumpay, hindi inaasahan ni Seth na ang multo ng kanyang nakaraan ay kakatok sa pinakamasayang sandali ng kanyang buhay. ​Matapos sabihin ni Avery na maaari na siyang manligaw nang pormal, hindi na mapawi ang ngiti sa mga labi ni Seth. Nakatayo sila sa gilid ng covered walk ng unibersidad habang nagdiriwang ang buong tropa sa gilid. ​Subalit sa gitna ng selebrasyon, hindi napigilan ni Dwayne ang kanyang bibig dahil sa labis na excitement. Mabilis itong lumapit kina Seth at Avery, nakangisi nang abot-tenga habang nakapameywang. ​"Hahaha! Aba, epektibong pampalambot pala ang gatas at outreach progra

  • Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)   Chapter 170

    Ang sikat ng araw na pumasok sa bintana ng Presidential Suite ng isang luxury hotel sa Tagaytay ay tila may dalang kakaibang basbas. Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ang lahat. Ang amoy ng kape ay humahalo sa amoy ng mga hairspray at mamahaling pabango. Sa gitna ng Suite, nakaupo si Althea

  • Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)   Chapter 169

    Isang gabi bago ang engrandeng kasal, mahimbing na natutulog si Althea sa loob ng kanyang silid sa mansyon. Dahil sa pagod sa mga huling detalye ng wedding preparations, hindi na niya namalayan ang dahan-dahang pagbukas ng kanyang bintana at ang pag-puga ng security alarm na sadyang pinatay ng loob.

  • Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)   Chapter 165

    Isang linggo matapos ang masayang dinner sa mansyon nina Fernando at Cecilia, ang executive boardroom ng Castillo Group ay nagmistulang isang magulong command center. Hindi na mga graph ng stock market ang nakapaskil sa pader, kundi mga mood boards na puno ng bulaklak at iba't ibang shade ng tela.

  • Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)   Chapter 163

    Matapos ang matagumpay na rampa ni Althea sa lobby, kung saan napatunayan niyang siya ang karapat-dapat na "Queen" ng Castillo Group, akala ng lahat ay magse-celebrate na sila nang magkakasama. Pero si Dylan, na tila may planong mas malaki pa sa isang merger, ay biglang humarang sa pinto ng executiv

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status