CHAPTER 40 Nalipat na nga si Mama, nagkaroon lang ng operasyon sa ER, tapos nang pwede na siyang mailpat sa kabilang hospital ay hindi na kami nagdalawang-isip na lumipat doon sa tungkol na rin ni Dr. Buenaventura at ng anak niya na si Ate Dania. Nagkaroon ng panibagong operasyon sa hospital na ito kaya mas lalong lumaki ang bill namin, na siyang ikinasakit ko ng ulo kinaumagahan. "Papa, mayroon ka bang nakuha?" pagod kong turan nang makita si Papang paparating. Ngayon niya lang din nalaman na inatake si Mama kahapon. Pagod na mukha ang iginawad niya sa amin, tapos no'ng nalaman niya ay mas lalong nawalan ng buhay ang kaniyangg mukha, na siyang mas ikinalungkot ko at naawa. "Bente mil lang, 'nak." He was counting money from his old, torn bag. I just watched his trembling hands as he counted the bills, kung kulang ba iyon, o kung sobra man ay himala na lang talaga. "Nilipat na si Mama sa kabilang hospital, hindi pa ako nakakapunta roon," saad ko, kadugtong ng impormasyon na inatak
 Last Updated : 2025-10-09
Last Updated : 2025-10-09