Malamig ang titig ni Yamila kay Irina. Ramdam nito ang kaniyang disgusto, kaya’t napakapit ng mahigpit si Irina sa braso ng kanilang ama.Samantalang tahimik na nakatayo sa likod ni Yamila si Magnus. Hindi niya alam kung bakit nasa likod siya nito. Tila ba, alam ng kaniyang katawan na kailangan ng suporta ni Yamila kaya’t dapat lang na nasa likod siya nito. Sinasabi ng kaniyang kutob na kahit na gaano kalupit tingnan si Yamila—kahit pa malakas ito sa panlabas na anyo— unti-unting nababasag at nanghihina ang kalooban nito. Nang maramdaman na nagiging sentro na sila ng atensyon, humakbang siya palapit at hinuli ang braso ni Yamila.“Yamila, we’re in the public.” Paalala niya sa babae.Nilingon siya nito. Sinubukan niya itong hilahin, gusto sanang ilayo sa mata ng mga tao, ngunit hinila lamang pabalik ni Yamila ang kaniyang braso.Kumunot bahagya ang noo ni Magnus.Ipinakilala ni Yael si Irina bilang anak, hindi nito naisip ang posibleng maramdaman ni Yamila kung sakaling malaman nito.
Last Updated : 2026-01-09 Read more