Samantala nanatiling nakaluhod sa sahig si Irina. Hindi pa rin siya tumatayo. Ang bawat salita ni Yamila kanina ay halos isang sampal ng kahihiyan. Namumutla ang kaniyang mukha sa inis pero hindi niya iyon mailabas. Sa halip, mas pinili niyang magmukhang api. “Irina, tama na, tumayo ka na.” Maingat siyang inalalayan ni Yael. At sa unang pagkakataon nakaramdam si Yael ng kahinaan— isang amang bigo dahil sa kalagayan ng kaniyang anak.Ngunit sa loob-loob ni Irina, lalong nadagdagan ang inis niya rito. Para sa kaniya, napaka-walang silbi ng kanyang ama. Ngunit gaya ng nakasanayan, pinanatili niyang inosente ang imahe sa harap ng lahat. “Thank you, Dad.” Nagpasalamat si Irina kay Yael at pagkatapos ay tumingin kay Magnus na puno ng paghingi ng tawad.“Sorry Magnus, hindi ko e-nexpect na mangyayari ‘to.” Pinilit niyang ngumiti pero mapait. Nang makita si Irina ng ganoon, mas lalong bumigat ang dibdib ni Yael. “Irina, kasalanan ng Daddy. Ikaw pa tuloy ang naagrabyado ngayon” “It’s oka
Huling Na-update : 2025-09-20 Magbasa pa