Kalahating oras ang lumipas nang bumalik ang nurse sa ward, tulak-tulak ang wheelchair kung saan isasakay si Mia para mabilis na makarating sa OR. Nakahanda na ang OR kaya nang makarating sila, agad na ipinasok sa silid si Mia at naiwan naman ang mga kasama nito sa labas. Papasok na si Yamila sa OR nang masulyapan si Shawn. Katabi ni Shawn si Magnus kaya nakita niya rin ito, pero kagaya kanina, parang hangin na binalewala niya lamang ang dating asawa. Tensyunado ang gwapong mukha ni Shawn. Nakatayo ito ng matuwid at magkahugpong ang mga kamay sa harap. Hindi rin makapagpokus ang mga mata nito, halatang inaalala ang asawang nasa loob ng operation room. Kaya bago tuluyang pumasok, tumigil saglit si Yamila at humarap bahagya kay Shawn. “Don't worry too much, she'll be out soon.” Aniya. Saka lamang nakapagpokus ang mga mata ni Shawn at tumingin sa kaniya. Ngumiti ito ng maliit at tumango. “Thank you. I'm entrusting Mia to you.” Tumango si Yamila at tuluyang pumasok sa OR nang wala
Read more