Nauna pang lumingon ang dalawang doktor na para bang sila si Yamila. Samantalang si Yamila ay napapikit pa ng mariin bago lumingon. “Mr. Esquivel.” Pormal niyang bati. Humakbang palapit ang lalaki. Mas lalong lumakas ang tibok ng kaniyang puso dahil palipat-lipat ang tingin ng mga kasama niyang doktor. Nagtataka marahil kung bakit tinawag siya nito. “Oh, yes, I forgot. Iyong acknowledgement form napirmahan na ba? I haven't seen it in my office. I'll check it tomorrow. Bibisitahin ko rin ang kapatid mo sa ICU para matingnan ang kalagayan niya. I'll do it first thing in the morning.” “Ikaw ang nag-opera sa kapatid niya, Dra. Marasigan?” Gulat at hindi makapaniwalang naiusal ng katabi niyang doktor. Napatingin siya rito at ngumiti ng maliit. Mabuti na lamang at agad siyang nag-isip kaya hindi na kataka-taka sa mga kasama niya kung bakit magkakilala sila ni Magnus. Nasa harap na nila si Magnus nang muli nila itong tingnan. Seryoso ang mukha nito at hindi niya mabasa kung ano’
Baca selengkapnya