“Kumusta po kayo?” tanong ni Carnation sa tiyahin, matapos niya itong yakapin.“I am okay. I should be the one asking you, how are you? Nagtatampo ako sa iyo, hindi ka nagparamdam ng ilang taon,” sagot ng kanyang Tita Cecile na may halong tampo.“Naging busy lang po,” paliwanag ni Carnation.“Grabe naman ang pagka-busy mo. Akala ko kalimutan mo na kami,” anito at humawak sa braso ni Carnation at siya na ang sumama rito para magtungo sa kwarto ng kanyang Lola. “Lagi ka niyang hinihintay bumalik. Kung nagtatampo ako dahil hindi ka nagparamdam, mas lalong nagtatampo siya.”Alam ni Carnation iyon. Kaya nga nandito siya ngayon para mag-sorry. Huminga siya nang malalim nang buksan ng tiyahin ang pinto ng kwarto ni Lola Carmen.“Ma, may bisita ka,” wika ng kanyang Tita, dahilan para mapalingon si Lola Carmen na nakatulala sa balcony. Nakaupo ito sa isang rocking chair, malalim ang iniisip.Ngumiti si Carnation sa kanya. Unti-unting lumabas ang ngiti sa mukha ni Lola Carmen nang makita siya.
Last Updated : 2025-09-15 Read more