"What did you say, Uncle?" tila nabingi pa si Nine sa sinabi ng tiyuhin sa kanya."Ang sabi ko, gusto kong ikaw ang mag-handle ng engineering firm sa Villaruiz," pag-uulit sa kanya ng tiyuhin.Naikuyom ni Nine ang kamay na may ballpen."Bakit ako? Bakit hindi na lang si Four ang ipagkatiwala ninyo roon?" tanong niya nang may pag-aalinlangan."Because, Nine... I trust you more than my own son. Alam kong mas mababantayan at papahalagahan mo yung firm na yun. Dugo at pawis ng daddy mo ang ipinuhunan niya dun."Napabuntong hininga siya at sumandal sa swivel chair. Ito ang isang bagay na iniiwasan niya. Ang bumalik sa Villaruiz. Kinasusuklaman niya ang lugar na iyon dahil sa isang tao. Pinopootan niya siya nang todo. Kung pwede lang, patayin niya, gaya ng pagpatay ng babae sa kanya noon, matagal niyang pinangarap iyon."Isa pa, nagta-trabaho na si Kristine sa firm. If you want, I can promote her to be your secretary."Nagdilim ang paningin ni Nine nang marinig ang pangalan. God forbid him
Last Updated : 2025-09-15 Read more