Share

Chapter 4

Author: J.M Culla
last update Last Updated: 2025-09-15 20:58:07

Kinakabahan na naman si Kristine habang naglalakad siya papasok sa opisina ni Nine. Mag-iisang linggo nang ganoon ang pakiramdam niya tuwing makaka-encounter niya ito. Ilang araw na rin niyang pinag-iisipan ang alok na kasal ni Nine. Kung hindi na talaga niya mahal si Nine, edi walang problema.

Iniisip na lang niya na para siyang nasa isang teleserye kung saan siya ang bidang babae na napilitang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal.

"Instant rich wife ka rin, ayaw mo ba yun?," naaalala pa niyang biro ni Jacob habang kinukumbinsi siyang pakasalan si Nine. Napapatawa na lang siya tuwing naaalala iyon.

Huminga siya nang malalim at kumatok sa pinto ng lalaki. Inintay muna niyang magsalita ito bago siya pumasok.

"Ahh, Miss Paz. Fancy seeing you here. I was about to call you," nakangising sabi ni Nine.

Alam na ni Kristine na alam na rin nito ang pakay niya kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.

"Pumapayag na ako sa gusto mo," diretsong sabi niya.

Napansin niya ang biglang pagngisi nito. Kinuha ni Nine ang telepono at may kinausap sa kabilang linya.

"Prepare everything. We'll be there in ten minutes," utos nito saka ibinaba ang telepono at agad namang inangat ang intercom.

"Joyce, cancel all my appointments for today."

Napakunot-noo si Kristine. "Teka... hindi ba dapat ako ang gumagawa niyan?"

"No. Miss Paz will be with me. Yes," iyon lang ang sinabi niya bago tuluyang ibaba ang phone.

"Come with me," malamig na utos ni Nine. Tumayo siya mula sa swivel chair, kinuha ang coat na nakasabit sa likod nito, at hinila si Kristine.

"Saan tayo—teka!" Napilitan si Kristine na sumunod sa kanya.

Parang nakuryente siya nang muling magdikit ang kanilang mga palad. Malalaki at mainit ang mga kamay nito na nakabalot sa kanya. Matagal na mula nang huling magdampi ang kanilang balat pero nanatiling pamilyar ang pakiramdam.

Habang naglalakad sila palabas, lahat ng empleyadong kanilang nakakasalubong ay nakatingin sa kanila. Alam ng mga ito ang nakaraan ng dalawa kaya hindi na nagulat, bagkus ay ipinagkibit-balikat na lang nila.

----

Lahat ng bagay ay nangyayari ayon sa plano ni Nine. Alam niyang wala nang ibang choice si Kristine kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan niya. Mahalaga sa babae ang lupang iyon at hindi niya hahayaang mawala iyon sa kanya.

Dumiretso sila sa hukuman upang hindi na makapagbago pa ng isip si Kristine.

"Teka... ngayon na ba?" tarantang tanong niya.

"Why? Do you want a church wedding full of sweet nothings?" pang-uuyam nito.

Natahimik si Kristine. Siyempre gusto rin naman niyang magpakasal, pero pangarap niyang magkaroon ng espesyal na kasal. Minsan lang ikakasal ang isang babae at nais niyang maging memorable iyon.

"Nine? Handa na ba ang lahat?"

Napalingon si Kristine sa nagsalita. Napasinghap siya nang makilala kung sino iyon. Judge Araneta. Ninong ni Nine.

"Okay na, Ninong," sagot ng lalaki.

"Kristine, pumunta ka ba dito ng bukal sa kalooban mo?" tanong ng judge. Pinisil ni Nine ang balikat niya.

"Ah... opo," nakayukong sagot niya.

"Kung ganoon, simulan na natin ang kasal."

Lutang ang isip ni Kristine. Kanina lang ay pumayag siya sa nais ni Nine, at ngayon ay ikinakasal na sila.

"Maaari mo nang halikan si Mrs. Cervantes. Congratulations."

Itinapat siya ni Nine sa kanya.

"Tapos na? Did I say yes?" bulong niya sa sarili.

Wala siyang maalala na malinaw na pagpayag. Ang nakita na lang niya ay ang singsing na nasa kanyang daliri.

Tinitigan niya si Nine. Matiim ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

"Wala ka nang kawala ngayon, Kristine," narinig niyang bulong nito sa isip niya. "Umpisa pa lang ito. I will take away your everything... starting from your freedom."

Hinalikan siya ni Nine nang puno ng poot. Marahas at maparusang halik iyon. Napakagat pa nito sa labi ng babae at nalasahan ang dugo.

"Let's go," malamig nitong sabi. Hindi mabasa ni Kristine ang ekspresyon ng asawa. Madilim ang anyo nito.

"Thank you, Ninong."

Hinila siya ni Nine palabas ng munisipyo. Tahimik lang silang dalawa hanggang makarating sa bahay ng mga Cervantes sa Villaruiz.

Pagdating nila roon, tanging guard lang ang sumalubong at nagbukas ng gate. Alam na alam ni Kristine ang pasikot-sikot sa bahay na iyon.

Kapit pa rin ni Nine ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa kwarto nito.

"Nine, paan—hmp!"

Agad siyang siniil ng halik ni Nine. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at isinandal siya sa pader. Pinatong nito ang mga kamay niya sa ulunan habang idinidikit ang katawan sa kanya.

"Nine, tama na please," pagmamakaawa niya nang biglang kagat-kagatin nito ang kanyang leeg habang mariing minamasahe ang kanyang dibdib.

"Nine, please..." halos hikbing pakiusap niya pero parang wala itong naririnig. Hinila pa nito pababa ang kanyang blouse hanggang sa mapunit iyon, at tumambad sa harap ng lalaki ang malulusog niyang dibdib.

Nanghihina na ang tuhod ni Kristine. Gusto ng katawan niya ang ginagawa ni Nine ngunit tumututol ang kanyang isipan.

Hindi na nga natupad ang pangarap niyang kasal, pati ba naman ang kanyang unang pagkakataon ay biglaan at marahas ding mangyayari?

"Nine, ano ba?!" buong lakas niyang itinulak ang asawa palayo.

Nagulat si Nine. Natapakan ang ego niya. Sa kanya na nga ang babae pero ayaw pa nitong isuko ang katawan.

Muling itinulak siya nito sa pader at malakas na sinuntok ang dingding malapit sa kanyang mukha.

"Asawa mo na ako, Kristine. May karapatan na ako sa katawan mo. Sa katawang inalagaan at halos sambahin ko noon. Ni dulo ng daliri mo, ingat na ingat akong salingin pero ipinamigay mo lang sa iba! Nakakadiri ka, Kristine. Nakakadiri!"

Pabalya nitong binitawan ang kanyang mukha at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Narinig pa niya ang sigaw ng asawa habang nakaupo siya sa sahig kung saan siya iniwan. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at mariin ang pagkakahawak niya sa sirang blouse na tinatakip sa kanyang kahubdan.

Ngayon pa lang pinagsisisihan na niya ang pagsang-ayon sa kagustuhan ni Nine na magpakasal sila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to my Boss, Divorced from my Love   Chapter 4

    Kinakabahan na naman si Kristine habang naglalakad siya papasok sa opisina ni Nine. Mag-iisang linggo nang ganoon ang pakiramdam niya tuwing makaka-encounter niya ito. Ilang araw na rin niyang pinag-iisipan ang alok na kasal ni Nine. Kung hindi na talaga niya mahal si Nine, edi walang problema.Iniisip na lang niya na para siyang nasa isang teleserye kung saan siya ang bidang babae na napilitang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal."Instant rich wife ka rin, ayaw mo ba yun?," naaalala pa niyang biro ni Jacob habang kinukumbinsi siyang pakasalan si Nine. Napapatawa na lang siya tuwing naaalala iyon.Huminga siya nang malalim at kumatok sa pinto ng lalaki. Inintay muna niyang magsalita ito bago siya pumasok."Ahh, Miss Paz. Fancy seeing you here. I was about to call you," nakangising sabi ni Nine.Alam na ni Kristine na alam na rin nito ang pakay niya kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa."Pumapayag na ako sa gusto mo," diretsong sabi niya.Napansin niya ang biglang pagngisi nito.

  • Married to my Boss, Divorced from my Love   Chapter 3

    “Nine, huwag lilingon. Huwag kang lilingon sa kanila,” iyon ang paulit-ulit na sinabi ni Nine sa sarili niya.Pero he just found himself stalking Kristine and Jacob. Sinundan niya ang dalawa hanggang makapasok ang mga ito sa isang bahay.“At mukhang magli-live in pa talaga sila?” Para siyang tangang kinakausap ang sarili. Isang pagsasamang bunga ng kataksilan ni Kristine.Hanggang ngayon, malinaw pa rin kay Nine ang kataksilang ginawa ng dating kasintahan. Isang sulyap pa ang ginawa niya bago siya tuluyang umalis sa tapat ng bahay na pinasukan ng dalawa.Hindi niya na kabisado ang Villaruiz, pero may mga lugar pa rin siyang nadadaanan na nagpapaalala ng nakaraan. Lalo na ang dagat ng VillaruizKristine was his first love, his first everything except sex. Iginalang niya nang husto ang dalaga pero hindi niya inakalang ganoon-ganoon lang siya ipagpapalit ng babae. Lalo tuloy nadagdagan ang galit niya sa mga babae dahil sa nangyari.“I love you, Babe.”“I love you too, Babe.”Ipinilig ni

  • Married to my Boss, Divorced from my Love   Chapter 2

    "Nine..." mahigpit na niyakap siya ng Uncle niya nang lumabas siya sa Villaruiz Airport. Huminga siya ng malalim at pinagmamasdan ang paligid. "Ang dami ng nabago dito, Uncle," pakunwaring napansin niya."Ilang taon na din kasi siyang hindi nakabalik ng Villaruiz. Wala pa yung mga malalaking building na dati puro malawak na palayan lang," dagdag ng Uncle niya. "Your Ninong Governor did all of this. Maswerte ang Villaruiz sa kanya."Bata pa lang ay malaki na nag bilib ni Nine sa kanyang Ninong. Kaya hindi na siya magtataka kung napaganda nito ang lugar na ito."Gusto mo bang umuwi muna para magpahinga?" alok ng Uncle niya."No, Uncle. Gusto kong magpunta sa firm," matigas ang sagot niya.Akala ng tiyuhin niyang interesado lang talaga siya sa firm. Hindi niya alam na ang tunay na nais ng binata ay makita si Kristine at ipamukha na magkakasama na uli sila."Okay. Let's have lunch first. I'll let my secretary know we'll go after lunch."----"Bilisan niyo, girls! Baka biglang dumating si

  • Married to my Boss, Divorced from my Love   Chapter 1

    "What did you say, Uncle?" tila nabingi pa si Nine sa sinabi ng tiyuhin sa kanya."Ang sabi ko, gusto kong ikaw ang mag-handle ng engineering firm sa Villaruiz," pag-uulit sa kanya ng tiyuhin.Naikuyom ni Nine ang kamay na may ballpen."Bakit ako? Bakit hindi na lang si Four ang ipagkatiwala ninyo roon?" tanong niya nang may pag-aalinlangan."Because, Nine... I trust you more than my own son. Alam kong mas mababantayan at papahalagahan mo yung firm na yun. Dugo at pawis ng daddy mo ang ipinuhunan niya dun."Napabuntong hininga siya at sumandal sa swivel chair. Ito ang isang bagay na iniiwasan niya. Ang bumalik sa Villaruiz. Kinasusuklaman niya ang lugar na iyon dahil sa isang tao. Pinopootan niya siya nang todo. Kung pwede lang, patayin niya, gaya ng pagpatay ng babae sa kanya noon, matagal niyang pinangarap iyon."Isa pa, nagta-trabaho na si Kristine sa firm. If you want, I can promote her to be your secretary."Nagdilim ang paningin ni Nine nang marinig ang pangalan. God forbid him

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status