Married to my Boss, Divorced from my Love

Married to my Boss, Divorced from my Love

last updateLast Updated : 2025-09-15
By:  J.M CullaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Anim na taon na mula nang huling magkita sila Kristine at Nine. Dati silang magkasintahan at hindi naging maganda ang paghihiwalay nila. Pinangako ni Kristine sa sarili na hindi na siya muling magpapaloko kay Nine, at isinumpa naman ni Nine na maghihiganti siya sa dalaga sa susunod na magkita sila. They were worlds apart. Akala nila hindi na sila magkikita ulit pero nang dahil sa utang ng mga pamilya ni Kristine sa pamilya ni Nine, napilitan siyang magtrabaho para sa mga ito.

View More

Chapter 1

Chapter 1

"What did you say, Uncle?" tila nabingi pa si Nine sa sinabi ng tiyuhin sa kanya.

"Ang sabi ko, gusto kong ikaw ang mag-handle ng engineering firm sa Villaruiz," pag-uulit sa kanya ng tiyuhin.

Naikuyom ni Nine ang kamay na may ballpen.

"Bakit ako? Bakit hindi na lang si Four ang ipagkatiwala ninyo roon?" tanong niya nang may pag-aalinlangan.

"Because, Nine... I trust you more than my own son. Alam kong mas mababantayan at papahalagahan mo yung firm na yun. Dugo at pawis ng daddy mo ang ipinuhunan niya dun."

Napabuntong hininga siya at sumandal sa swivel chair. Ito ang isang bagay na iniiwasan niya. Ang bumalik sa Villaruiz. Kinasusuklaman niya ang lugar na iyon dahil sa isang tao. Pinopootan niya siya nang todo. Kung pwede lang, patayin niya, gaya ng pagpatay ng babae sa kanya noon, matagal niyang pinangarap iyon.

"Isa pa, nagta-trabaho na si Kristine sa firm. If you want, I can promote her to be your secretary."

Nagdilim ang paningin ni Nine nang marinig ang pangalan. God forbid him because he's killing her inside his mind.

"I mean, alam ko namang matagal na kayong wala ni Kristine, at alam ko din na hindi naging maganda yung paghihiwalay niyo, but, Nine, don't you think it's about time to reconciliate with her for old times' sake? Naging magkaibigan naman kayo bago nangyari lahat ng ito, diba? She was your best friend."

"Yun na nga. Was. Past tense. She was my best friend and she was my girlfriend, Uncle Uno." Bumuntong hininga siya. "I don't know. Masyadong masakit yung mga nangyari noon. I don't think I can even face her without thinking of making her suffer. She's dirty. At hindi man lang niya nagawang magpaliwanag noon kung bakit nangyari? Basta na lang niya ako iniwan. Nagmukha akong tanga kakahintay sa kanya para ano? Para ipagpalit ako sa gagong Jacob na yon? Manggagamit siya. Manggagamit sila."

Galit siya. Galit siya sa mga babae, pare-pareho lang silang manggagamit. Mula sa mommy niya hanggang kay Kristine, galit siya sa kanila lahat.

"Nine, kung hindi mo nakuha yung paliwanag na gusto mong makuha noon, maybe now is the chance. Maybe it's time to open up yourself. Let go of the burden. Baka sakaling pag narinig mo yung paliwanag niya, mapatawad mo siya at maka-move on ka na din. You're not getting any younger. I am expecting grand sons and daughters from you." Sinimulan ng kanyang Uncle na tapikin ang balikat niya bago tumayo at lumakad papunta sa pinto.

"I'm giving you a week to decide. Pag-isipan mong mabuti yung offer ko," sabi nito bago tuluyang lumabas.

Naibato niya ang ballpen na hawak niya sa galit. Bakit ba kailangan pang bumalik ng babae sa buhay niya? Para sirain ulit iyon?

Naalala ni Nine ang mga sandaling iyon, malinaw at matamis pa rin, parang pelikula na naglalaro sa isip niya. Naaalalang himutok ng braso niya sa baywang ng babae habang tumatawa ito. Kinagat niya ito sa balikat bago niya ipinatong ang baba sa balikat ng babae.

"Babe?" bulong ni Nine sa kanya, at natawa ang babae. Ayaw man ng babae na kinakagat siya, natatawa naman ang lalaki kapag naasar siya, kaya palagi niyang ginagawa iyon.

"Hmmm… mahal kita," bulong ng babae sa tenga niya. Nag-stiff ang dalaga nang maramdaman ang pag-alsa ng balahibo niya, pero hindi siya umiwas.

"Mahal din kita." Inalis niya ang pagkakayakap sa may bewang nito at pinilit niyang humarap ang babae sa kanya.

"Birthday ko na next week. Luluwas ka ba o susunduin na lang kita dito?" nag-aatubiling tanong ng lalaki. Nag-iwas ng tingin ang dalaga, kaya hinuli niya ang mga kamay nito para tumingin sa kanya.

"I… hindi ko alam, babe. Tatakas lang ako kay Inang. Alam mo naman yun eh." Pinalungkot ng lalaki ang mukha niya. "Pero luluwas ako. Pangako, darating ako sa kaarawan mo." Isang pilit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya saka siya niyakap.

Ayaw kay Nine ng ina nito dahil sa pagiging Cervantes niya.

"Anong gusto mong regalo galing sa akin?" tanong ni Nine habang kumakawala si Kristine sa pagkakayakap, tumingin siya ng diretso sa kanyang mga mata.

"Pwede bang ibalot mo na lang yung sarili mo? Ikaw yung gusto kong regalo." Hinalikan niya ang pisngi ng dalaga.

Mahal na mahal talaga ni Nine si Kristine. Yung pagiging simple ng babae at pagiging down to earth nito ang ilan lang sa mga bagay na nagustuhan niya. Kung gagawa siya ng listahan, baka abutin siya ng ilang araw.

"Baliw. Anong palagay mo sa akin, bagay?" irapan ni Kristine ang lalaki pero kahit yung pagtataray nito ay nakakatawa pa rin.

"Oo, Babe. Bagay ka. Bagay ka sakin." Hinalikan niya ang pisngi ng dalaga dahil sinamaan siya nito ng tingin. "Ang cute mo talaga. Kaya mahal kita." Hindi na napigilan ni Nine ang sarili niya kaya nahalikan niya ang babae sa labi.

Sabay nanlaki ang mga mata nila sa nangyari. Umiwas ng tingin si Nine at ganun din ang babae. Unang beses nilang mag-kiss sa labi, at gusto sana ni Nine na maging special iyon. Nangyari iyon sa harap ng dagat ng Villaruiz.

Hindi niya pinagsisisihan yung nangyari. Ganun pala yung pakiramdam nun, dinaig pa yung karera ng kabayo sa lakas ng tibok ng puso niya.

"Babe… kailangan mo na akong pananagutan." pabirong sabi ni Nine. Nanlaki ang mga mata ni Kristine sa sinabi niya.

"Hoy! Nag-aaral pa tayo! Anong pananagutan ka diyan!" Lumalabas yung litid ng leeg niya sa sobrang galit. Pilit sinusupil ng binata yung ngiti sa labi niya.

"You stole my first kiss! Kailangan mo akong pakasalan!" nalaglag yung panga ni Kristine sa sinabi niya.

"Nahiya naman ako sa pagkawala ng first kiss mo! Parang ikaw lang yung nawalan ah!" Hindi niya talaga napigilan ang sarili. Hinila niya ito palapit sa kanya.

"Kung ganun, edi pananagutan kita." Lumayo ang dalaga sa kanya pero hinawakan niya pa rin sa kamay ang dalaga.

"Hindi pa nga pwede. Nag-aaral pa tayong pareho. Anong magiging buhay natin?"

"Edi magtatrabaho ako sa gabi habang nag-aaral ka sa umaga. Isa pa, alam ko namang tutulungan tayo ni Daddy eh. Alam ko namang gustong gusto ka niya to the point na nagseselos na ako eh." Tinusok niya ang hintuturo sa noo nito saka hinalikan. "Pati ba naman ang Daddy mo, pagseselosan mo? Ikaw talaga. Pero seryoso, ayokong umasa tayo sa magulang nating dalawa. Though wala ka naman talagang aasahan kay Inay, wag kang mag-alala. Matatanggap ka din niya. Tiwala lang. Saka may mga pangarap pa ako. Gusto ko pang maging teacher at ikaw magiging engineer pa bago tayo bumuo ng isang masayang pamilya." Ngumiti siya at niyakap ang dalaga.

"Kaya mahal kita. Kahit kelan, hindi mo tinignan yung estado ko."

"Aanhin ko naman ang pera mo kung sa pagmamahal mo pa lang, mayaman na ako?" Kinilig naman ang lalaki sa sinabi niya.

"I love you, Kristine." Pinagpahinga ni Nine ang noo niya sa noo nito. Nakapikit lang ang dalaga ngunit nakangiti naman ito.

"I love you, too, Nine."

Mabilis dumaan ang isang linggo at birthday ni Kristine na. Inayos ng mga kaibigan nila ang apartment nila Bradley at Asher. Tatlo silang nagsha-share dito dahil nasa loob ng campus yung dorm nina Orion at Luigi dahil varsity players sila.

Sa totoo lang, hindi siya excited sa party. Kahit na wala na si Kristine, okay lang. Mas gusto niya pang makasama si Kristine. Lasing na lahat at halos hating gabi na pero wala pa ring dumating si Kristine. Sumama ang loob niya. Inaasahan niya siya pero hindi siya dumating. Sa sobrang sama ng loob, uminom siya ng mag-isa ng isang malaking bote ng alak na halos hindi niya nakita ang pangalan. Saglit lang pagkatapos nun, para na siyang dinuduyan.

Kinabukasan nagising nalang siya na walang saplot, walang maalala at walang Kristine. Naisip niya na baka si Bradley ang nagtanggal ng damit niya. Kahit hilong hilo, umuwi siya sa Villaruiz dahil nag-aalala siya sa nobya. Only to find her, his girlfriend, sleeping with someone else beside her.

Hindi na niya hinintay na magpaliwanag ang dalaga. Binugbog niya yung lalaking kasamang natagpuan para maalis ang sakit. Pero wala. Namanhid na lang yung kamao niya kakasuntok pero ni hindi nabawasan yung sakit. Tumingin siya kay Kristine na nakatingin lang din sa kanya, emotionless. Wala siyang mabasang kahit anong emosyon sa mukha ng dalaga. Ni hindi siya nagsalita. Hindi siya nito tiningnan. Nilapitan niya lang yung lalaking binugbog ni Nine para akayin at sabay silang lumayo.

Naiwan siyang dumbfounded, confused, at ang puso niya ay basag at wasak. Pinangako niya nung araw na yun na gagantihin niya sa dalaga. Pagsisisihan nito lahat ng ginawa niya sa kanya.

Hinawakan ni Nine ang kanyang phone at dinial ang private line ng kanyang Uncle.

"Nine? Nakapag-isip ka na ba?"

"Book me a flight to Villaruiz, Uncle. I'll leave next month and take over," mariing sabi niya.

"Alright. I'm on it."

Ibinaba niya ang phone saka buntong hininga.

"Kristine Paz, I'm gonna make you pay. I'm gonna make you suffer. Akala mo ba nakalimutan ko na pinaglaruan mo ako? Hindi. Hinding-hindi."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status