Sa labas ng Operating Theater, tila tumigil ang oras para kay Darius. Nakayuko siya, mahigpit na nakakapit ang mga kamay sa isa’t isa habang walang tigil ang bulong ng dasal. Sa kanyang tabi, hindi mapakali si Don Anton at Doña Elene, habang si Lola Erenea ay tahimik na humihikbi, hawak ang kanyang rosaryo.Lahat sila ay naghihintay sa isang resultang ayaw nilang harapin. Pinili ni Darius ang kanyang asawa. Pinirmahan niya ang consent form na nagsasabing si Scarlett ang uunahin, kahit pa ang kapalit nito ay ang buhay ng kanilang kambal. Isang desisyong habambuhay na mag-iiwan ng lamat sa kanyang puso.Sa loob ng Operating Room, ang kapaligiran ay balot ng matinding tensyon. Ang tunog ng mga makina ay mabilis at nakatataranta."Start the anesthesia. We don't have time for an epidural," utos ng OB-GYN.Nang matiyak na nasa malalim na pagkakaidlip si Scarlett, nagsimula ang mabilis na operasyon. "Skin incision, 10:42 AM," anunsyo ng nurse. Ginamit ng doktor ang scalpel para gumawa ng hor
Last Updated : 2026-02-10 Read more