Hindi naging simple ang pag-alis nila ng bansa.Hindi dahil sa kakulangan sa oras o paghahanda. Sa katunayan, halos isang araw pa lang matapos ang kasal ay nakaayos na ang lahat. Tickets, accommodation, security, at maging ang itinerary nila ay planado na hanggang sa pinakamaliit na detalye, na para bang hindi simpleng honeymoon ang pakay ng biyahe kundi isang maingat na pag layo mula sa mga mata ng publiko.Sa loob ng private jet ng mga Aldama, tahimik lang na nakaupo si Eloise sa tabi ng bintana habang pinagmamasdan ang unti-unting paglit ng lungsod sa ilalim nila. Nakapatong ang kanyang baba sa likod ng kanyang kamay, tila abala sa sarili niyang iniisip, ngunit paminsan-minsan ay napapatingin pa rin siya sa lalaking katabi niya.Si Tanner ay abala sa pagbabasa ng ilang dokumento, parang walang pakialam sa katotohanang magkasama silang aalis ng bansa bilang mag-asawa.“Alam mo,” biglang sabi ni Eloise, hindi inaalis ang tingin sa bintana, “kung may award sa pagiging unromantic, pana
Read more