Hindi agad nagsalita si Tanner nang makabalik si Eloise sa opisina. Samantalang si Eloise, ni hindi man lang sumulyap sa kanya. Diretso siyang naglakad papunta sa sariling mesa, marahang ibinaba ang bag, at sinimulang ayusin ang mga dokumentong naiwan niya kanina na parang walang nangyari, parang walang tensyon na bumabalot sa buong silid.Pero pareho nilang alam na hindi iyon totoo.“At hindi mo man lang naisip na sagutin ang tawag ko?” malamig na tanong ni Tanner, na siyang tuluyang pumutol sa katahimikan.Bahagyang natigilan si Eloise sa pagsusulat, pero hindi pa rin siya lumingon. “Busy ako,” sagot niya nang walang emosyon, na para bang simpleng paliwanag lang iyon.Napangisi si Tanner, pero walang saya sa ekspresyon nito. “Busy eating dimsum with another man?”Doon na siya napalingon, dahan-dahan, at sinalubong ang tingin nito na punong-puno ng panunumbat.“Excuse me?” balik niya, bahagyang tinaasan ang kilay.“Don’t play dumb, Eloise,” dagdag ni Tanner habang lumalapit nang kaun
Read more