Kinagabihan, halos hatinggabi na nang makauwi si Tanner sa mansyon. Tahimik ang buong bahay, tila tulog na ang lahat, maliban sa ilaw sa kwarto nila na bukas pa rin.Pagpasok niya, nadatnan niya si Eloise na nakaupo sa gilid ng kama, tahimik at tuwid ang likod, parang kanina pa naghihintay kahit wala namang nagsabi na darating siya sa oras na iyon.Hindi niya kailangang magsalita para mapansin nito ang kalagayan niya. Naamoy agad ni Eloise ang alak at kasunod noon ay isang hindi pamilyar na pabango.Hindi iyon sa kanya at hindi rin iyon pabango na karaniwan niyang naaamoy sa paligid. Ngunit nanatili siyang walang imik.Sa halip, marahan siyang tumayo at lumapit, saka maingat na hinubad ang coat ni Tanner, parang iyon lang ang kailangan niyang gawin sa sandaling iyon.“Lasing ka,” mahina niyang sabi, halos walang emosyon, pero may bigat na hindi niya mailabas.Hindi sumagot si Tanner. Hinayaan lang niya ang sarili na igiya ni Eloise papunta sa kama, halos pabigat na ang katawan habang
Read more