“Oo,” mahinang sagot ni Sadie, sabay iwas ng tingin. Dagdag pa niya, halos pabulong, “Kapag tinanong ka ng Ate mo, sabihin mo na lang… masama ang pakiramdam ko at hindi ako makakapunta, ha?”Tumango ako nang mariin. “Sige, Ate. Huwag kang mag-alala.”Namula ang pisngi niya, pero hindi na niya tinakpan. Sa halip, dumaan ang tingin niya sa akin na may halong lambing at hiya. “Maaga pa bukas, umuwi ka na’t magpahinga,” aniya, mahina pero may init sa tinig.Ngumiti ako, tumalikod, at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto. Ngunit nang marating ko na ito at akmang bubuksan, bigla akong natigilan. Hinugot ko ang aking bulsa—walang susi.Napakagat-labi ako. Teka lang… wala pala akong susi ng bahay nila Ate!Unti-unting sumilay ang kaba. Paano ako makakapasok? Magigising ko ba sila? O… kailangan ko bang bumalik kay Sadie?Kung tatawag ako kay Kuya o kay Ate ngayon, tiyak na magtatanong sila kung bakit. At hindi ko kayang sabihin ang nangyari kay Ate Sadie. Para sa akin, sekreto naming dalawa i
Baca selengkapnya