“Kirby, alert everyone. We are going to Bulacan,” maawtoridad na utos ni Renzell matapos ang tawag niya kay Radel. Tama nga ang hinala niya na tungkol kay Susan ang mahalagang pinuntahan ni Cassandra.Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang cellphone. Nang muling tumunog ‘yon ay kaagad niya sinagot sa akala na baka si Radel iyon na pinapahanap niya ang exact location na pupuntahan ni Cassandra.“Did you find it?” tanong niya.“Renzell, where are you? I want to go home, please,” pinalambing pa ni Joyce ang boses para hindi makatanggi ang lalaki.Natigilan si Renzell ng ilang minuto. Nang makabawi ay huminga siya nang malalim.“Joyce, I will send Zhel to send you home,” mahinahon niya wika. Naningkit kaagad ang mga mata ni Joyce nang marinig ang sagot nito. Bakit siya nito ipapahatid sa iba? Kagabi lang ay maayos naman sila. At ngayon nga ay nabasa niya ang official statement na inilabas nito. Walang paglagyan ang tuwa nararamdaman niya matapos malaman na tuluyan na maghihiwalay ang d
Mehr lesen