MasukSorry po at walang update. nagkasakit po Kasi. salamat sa mga nagbabasa.
“Allergy? You are wrong, Mr.Lee. Your wife just had a miscarriage last month and what's worse is that … someone killed the baby.”“What did you say?” Napaatras si Rachel at halos manginig ang kanyang buong kalamnan sa talim ng pagkakatingin sa kanya ni Mr.Lee. Napapatanong tuloy siya kung tama ba ang kanyang ginawa?Mabilis na nahablot ni Renzell sa braso ang doktora na halos mawalan na mg kulay ang mukha. Wala siyang pakialam kahit mamamatay pa ito ngunit kailangan niya muna marinig muli ang sinabi nito. “I’m asking you. What did you say about my wife's condition? Don’t make me repeat it, Dra.Domingo,” Bakas ang pagbabanta sa tono ni Renzell. This time he won’t let it slide. Nanginginig ang mga labi ni Rachel na sumagot, “Mr.Lee, na-nakunan ang asawa niyo noong nakaraang buwan lang. Ka-kaya po ganoon na lang ang pag-aalala ko sa kanya da-dahil baka na-depress siya sa pagkawala ng ba-baby ninyo.” Gumalaw ang panga ni Renzell at pinakatitigan ang mukha ng doktora. Sa nakikita niyan
Napahinto si Rachel sa tapat ng elevator at hindi niya napigilan magpapadyak sa inis. Oo, naiinis siya sa masungit na lalaking nakaharap. Alam niya kung sino ito at hindi dapat binabangga pero hindi naman tama ang ginagawa nito kay Mrs.Lee. She doesn’t deserve that treatment. Napakabuti nito para lamang saktan. Kahit si Mr.Lee pa ang presidente ng buong bansa ay wala ito karapatan na manakit ng tao lalo na kung ang taong iyon ay may mabuting puso. Napalingon siya muli sa pinto pinanggalingan. Hindi maaari wala siyang gawin. Paano kung pabayaan lang nito ang asawa. Ngayon niya naunawaan kung bakit si Miss Alvarez ang kasama ni Miss Coleman na Mrs.Lee pala dapat. Dahil lihim pala ang kasal ng mga ito. How did Miss Coleman ended like that?‘Ayos lang ‘yan. Everyone has their failures in life. Nasa atin na lang iyon kung gagawin natin positibo o negatibo ang pagkakamali na ‘yon. Hindi porket nagkamali ka ay magkakamali ka ulit. We are not perfect but once we see how grateful we are, bein
Napigilan ni Renzell ang paghinga nang magtama ang mga mata nila ng asawa. Lihim niya ikinuyom ang kanyang mga kamao nang mapatunayan na namamaga ang mga mata nito. Nasa isip niya ang nangyari sa mansion. Base sa mga narinig nila ay may ginawa si Ate Susan para hindi mabuntis si Cassandra. At ang kaalaman na ‘yon ay kanina pa nagpapanginig sa kanyang buong kalamnan.Kaya nga siya nagtungo sa condo nito ay para makausap at malaman niya ang totoong ginawa ni Ate Susan dito. Sa anong paraan nito sinigurado na hindi mabubuntis ang asawa. Dahil imposibleng sa vitamins na iniinom nito dahil galing iyon sa kanyang ina. Maliban na lamang kung pinapalitan ‘yon. At kapag napatunayan niya na talagang may kasalanan ito ay siya mismo ang magpaparusa dito.“Renzell.”Bumalik ang atensiyon ni Renzell nang muling banggitin ni Cassandra ang kanyang pangalan. Honestly he misses her calling him that way. Hindi siya sanay na tinatawag nitong Mr.Lee. Hindi siya sanay na pormal ito sa kanya.“Hmmm. May m
“Renzell.”Tumiim ang bagang ni Renzell at agad na binuhat si Cassandra. Ni hindi niya rin pinansin ang malakas na ulan. Ang tanging nasa isip niya ay ang maialis ito roon. Mabilis ang mga hakbang ng kanyang mga paa na tinungo ang silid nito at inilapag sa kama ang asawa. Napatitig siya sa mukha nito at kahit nakapikit ang mga mata nito ay hindi nito maitatago ang pamamaga noon. Napabuntung-hininga si Renzell saka hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na tumabing sa mukha.“Mr.Lee, narito na po ang order niyo—”Naudlot sa pagsasalita si Kirby nang bigla siyang hilahin palabas ni Mr.Lee. Nang makalabas sila ng silid ay binitawan naman kaagad ni Renzell ang braso nito.“Umuwi ka na. I will stay here with her,” wika ni Renzell kay Kirby. Nagsaya ang kalooban ni Kirby nang marinig ang sinabi ng boss niya. Para sa kanya ay pagkakataon na ‘yon para maayos pa ng mag-asawa ang kanilang relasyon. Isa talaga siya sa masasaktan kapag tuluyan naghiwalay ang mga ito. “Masusunod po. May kailangan
Hindi akalain ni Cassandra na magagawa ni Mrs.Stewart ang bagay na ‘yon. Kahit paano ay may maganda silang pinagsamahan. Kung hindi siguro nalaman ng mga ito na si Joyce ang nawawala nitong anak ay baka siya ang inampon ng mga ito. Hindi naman siya nanghihinayang sa bagay na ‘yon. Masaya siya para kay Joyce at masaya rin siya na ang pamilya ni Ava ang umampon sa kanya. Pero may mga bagay talaga na tila nakatadhana. Iyon ay ang magtagpo ang kanilang mga landas. Nirespeto niya ang mga ito bilang pasasalamat sa kabutihan ipinakita sa kanya. Ngunit, ang idamay ang isang inosenteng sanggol ay hindi niya mapapalagpas. Dahan-dahan na inangat ni Cassandra ang kanyang ulo at pinahid ang kanyang mga luha. Hindi ito ang oras para umiyak siya at magmukmok. She will make them pay. At kapag nalaman niya na may kinalaman din si Joyce sa ginawa ng ina nito ay hindi rin ito makakaligtas. Tumayo si Cassandra at kahit walang lakas ang kanyang mga paa ay dahan-dahan niya iyon inihakbang papasok. Nan
“Are you sure you want her to stay there?” tanong ni Ava kay Cassy nang magyaya na itong umalis matapos nila dalhin sa presinto si Ate Susan. Para sa kanya ay hindi sapat na makulong lang ito sa laki ng kasalanan na ginawa nito sa kaibigan. Kasalukuyan na sila nagbibiyahe patungo sa condominium ni Cassandra at kasama nila si Wesley na siyang nagmamaneho at katabi nito si Cassandra habang si Ava ay nakaupo sa likod. Nakikinig lamang si Wesley pero sa kanya opinyon ay hindi rin tama na basta lang nila ito iniwan sa presinto. Ngunit sinigurado niya na nag-iwan siya ng mga tauhan para makasigurado na hindi ito makakatakas. Maganda na ‘yong sigurado. “Why are you worried? I know that Wesley asked some of his security to stay to secure the area,” wala ganang sagot ni Cassandra. Para bang kay bigat ng kanyang pakiramdam. May gusto siyang gawin ngunit hindi sa harap ng mga taong walang ginawa kundi ang protektahan siya. At this moment all Cassandra wants is to be alone in her room. “It’s

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





