Lumipas ang isang buwan, unti-unting gumagaan ang pakiramdam ni Ada. Mas kaunti ang stress. Mas tahimik ang isip. Nakakapag-focus na siya sa pagpipinta. Dumami na rin ang orders at tumaas ang sales. May mga pending pa na kailangan niyang tapusin. Nakapag-ipon na rin siya ng sapat. Halos araw-araw na rin namamalagi si Kaizer sa studio. Inaalagaan siya, tinutulungan sa kahit anong bagay. Para bang natural na sa kanya ang mag-alaga. Marami na ang nag-aakalang asawa niya ito, pati mga customer. Tatlong buwan na ang tiyan niya. Bahagya nang halata ang umbok. At si Kaizer, tinodo na ang sinabi nito. Kinareer na nito ang pagiging tatay sa anak niya, kahit wala pa siyang sinasabi. Sa mga nakaraang linggo, napagtanto niyang hindi naman pala masama si Kaizer. Responsible, caring,gentle, at marespeto. Hindi siya lugi sa kanya. Pero hindi pa rin siya sigurado kung bibigyan niya ito ng pagkakataon. Habang nagpipinta siya, biglang pumaso
Last Updated : 2026-02-06 Read more