Hindi na nagdalawang-isip si Ada. “U-Uhm, Kai... may gusto lang akong itanong,” maingat niyang bungad, “may...may balita na ba tungkol sa aksidente?” Namayani ang saglit na katahimikan sa kabilang linya. Iyong tipo ng katahimikang hindi komportable. Parang may hinahanap na isasagot pero hindi masabi. “Ah… uhm, as of now, wala pa,” sagot nito matapos ang ilang segundo. “Wala pang lead kung sino talaga ang mastermind.” “Sigurado ka?” tanong niya, pilit pinananatiling kalmado ang boses. “Yeah. I mean… wala pa talaga.” Parang nataranta ito. “Hey, just relax, okay? Huwag mo muna isipin ’yon. Just focus on yourself first. Just leave it to me.” Ramdam niya ang pag-iwas sa sagot nito. Kaagad ba namang iniba ang topic. Hindi niya maipaliwanag kung paano, pero kilala niya si Kaizer mula pagkabata. Alam niya ang tono nito kapag nagsisinungaling. Pero hindi na niya pinilit. Narinig niya ang mahinang paghinga nito sa kabilang linya, para
Terakhir Diperbarui : 2026-02-11 Baca selengkapnya