Hindi pa rin agad nawawala ang takot at kaba ni Luna. Kahit ligtas na siya, kahit nasa bahay na ulit nina Celestine, may mga sandaling napapahinto siya sa ginagawa… lalo na kapag nagkakamali. Isang basag na baso, natapong gatas, o maling sagot lang sa tanong, bigla na lang siyang napapaatras, naninikip ang dibdib, at napapikit na parang hinihintay ang sakit na dati niyang nararanasan.“Mommy… sorry po,” mahina niyang sasabihin, kahit wala naman siyang ginagawang masama.Sa tuwing ganon, luluhod si Celestine sa harap niya, hahawakan ang maliliit niyang kamay, at tititig sa mga mata niya nang puno ng lambing. “Luna, listen to me,” malumanay niyang sabi. “Wala ka nang dapat ikatakot. Normal ang magkamali. Tao tayo. At higit sa lahat, wala nang mananakit sa’yo. Hindi na mauulit ‘yon.”Unti-unti, natututo si Luna na huminga nang malalim. Hindi agad nawawala ang panginginig ng katawan niya, pero sa bawat yakap ni Celestine, unti-unting bumabalik ang pakiramdam ng seguridad.Isang araw, nagd
Last Updated : 2026-01-25 Read more