Busy na busy si Celestine sa pag-aayos ng gamit ni Luna sa malaki niyang bag. Kahit abala, ramdam ang lungkot niya. Lumilingon siya sa mukha ni Luna at bumuntong-hininga. “Kung pwede nga lang, hindi na kita papalabasin,” bulong niya sa sarili. Ngunit alam niya sa puso niya, kailangan niyang igalang ang desisyon ng bata.“Ate Luna, tumawag ka palagi ha? Huwag mo kaming kalimutan,” reklamo ni Aurora, na nakabusangot sa gilid.“Oo naman, hinding-hindi ko kayo kakalimutan,” sagot ni Luna, pinipilit ang ngiti.Niyakap ni Celestine si Luna nang mahigpit.“Ingat ka palagi, anak. Tandaan mo, kahit gaano ka kalayo, palaging nandito kami para sa’yo.”Dinala nina Celestine at Adrian si Luna sa kotse papuntang airport. Kasama rin si Aurora para magpaalam. Ngunit si Aiden, ayaw sumama. Nagpumilit siyang manatili sa bahay, bagama’t halata ang lungkot at galit sa desisyon ni Luna.Bago tuluyang umalis, dumaan muna sila sa bahay ng mga magulang ni Adrian para magpaalam. Niyakap ni Luna ang lola at lo
Last Updated : 2026-02-09 Read more