Kinabukasan, maagang nagising si Luna. Tahimik ang buong bahay, at tanging tunog ng hangin mula sa bintana ang maririnig. Nakahiga lang siya, nakatitig sa kisame, pero ang isip niya ay magulo.Paulit-ulit na bumabalik ang nangyari.Ang gabi.Ang yakap.Si Aiden.Napapikit siya.“Forget it…” mahina niyang bulong sa sarili.Pero kahit anong pilit niya…hindi niya makalimutan.Bumangon siya at nagbihis. Sinubukan niyang maging normal. Inayos niya ang sarili niya, sinuot ang paborito niyang simpleng dress, at lumabas ng kwarto.Pagdating niya sa dining area, nandoon na sina Celestine at Adrian.“Good morning, hija,” nakangiting bati ni Celestine.“Good morning po,” sagot ni Luna, pilit na ngumiti.“Sit down, kumain ka muna,” sabi ni Adrian.Tumango siya at umupo.Ilang sandali pa, dumating si Aurora.“Good morning!” masigla nitong bati, pero halatang sinusubukan lang niyang iangat ang mood.“Morning,” sagot ni Luna.Napatingin si Aurora sa kanya, parang may gustong sabihin, pero pinili n
Magbasa pa