LOGINKinagabihan, nagpaalam na si Victor kay Luna.“I’m going out,” sabi niya habang inaayos ang suot niya sa harap ng salamin.Napatingin si Luna sa kanya.“Saan ka pupunta?”Ngumiti si Victor nang pilyo.“Bar. May mga macho dancer doon na type na type ko.”Napailing si Luna pero napangiti.“Just be careful.”Tumango si Victor. “Always.”Pagdating sa bar, agad siyang umupo sa isang table na may magandang view ng stage. Malakas ang music, makukulay ang ilaw, at puno ng tao ang paligid.“Now this is my kind of place,” bulong niya sa sarili.Umorder siya ng drink at tumingin sa mga sumasayaw sa stage.Habang abala siya sa panonood, may napansin siyang isang waitress na dumaan sa harap niya.Napatigil siya.Maiksi ang suot ng babae, makapal ang make-up, at pulang-pula ang labi. Maganda ito, at halatang alaga ang katawan.Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit siya napatingin.“Wait…” bulong ni Victor.Mas tinignan niya ng mabuti.Nanlaki ang mata niya.“Siya ‘yun…”Bigla niyang naalala.Siya
Maagang nagising si Luna kinabukasan. Tahimik pa ang buong bahay, tanging mga huni lang ng ibon sa labas ang maririnig. Saglit siyang nakaupo sa kama, nakatingin sa kisame na parang may iniisip na hindi niya kayang bitawan.Hindi pa rin nawawala sa isip niya si Aiden.Yung huling sinabi nito.“Hinding-hindi kita basta bibitawan.”Napapikit si Luna.“Ang hirap…” bulong niya.Sa baba, abala na si Celestine sa kusina. Si Adrian naman ay naka-upo habang nagkakape.“Maaga siyang gumising,” sabi ni Celestine habang nilalagay ang pagkain sa mesa.Tumango si Adrian. “She didn’t sleep well.”Nang bumaba si Luna, agad siyang sinalubong ni Aurora.“Ate Luna! Good morning!”Ngumiti si Luna nang pilit. “Good morning.”Tahimik ang almusal. Ramdam ang bigat kahit walang nagsasalita tungkol dito.Paminsan-minsan ay napapatingin si Celestine kay Luna, pero hindi niya ito pinipilit magsalita.Pagkatapos kumain, tumayo si Luna.Lalabas lang po ako.”Napatingin si Adrian. “Saan?”“Fresh air.”Hindi na si
Iniwan nina Celestine at Adrian sina Luna at Aiden sa garden para makapag-usap nang maayos. Tahimik ang paligid, malamig ang hangin, at tanging mga dahon lang ang maririnig na dahan-dahang gumagalaw.Samantala, sa loob ng bahay, si Celestine at Adrian ay lumabas sa balcony.Nakaakbay si Adrian kay Celestine habang si Celestine naman ay nakahawak sa bewang nito, parang sanay na sanay na sila sa ganitong posisyon… parang kahit anong mangyari, hindi sila bibitaw sa isa’t isa.“Parang kailan lang…” mahina at may ngiting sabi ni Celestine.Napatingin si Adrian sa kanya.“Parang kailan lang ano?”Ngumiti si Celestine habang nakatingin sa malayo.“Yung mga panahon na wala pa tayong idea kung saan tayo dadalhin ng buhay.”Napabuntong-hininga si Adrian, bahagyang natawa.“Yeah… and now look at us.”Tahimik sandali.Pero hindi awkward… kundi puno ng memories.“From boss to employees…” sabi ni Celestine, “to one-night stand…”Napatingin si Adrian sa kanya, bahagyang natatawa.“Don’t remind me of
Kinabukasan, tahimik ang buong bahay. Ang liwanag ng araw ay dahan-dahang pumasok sa kwarto ni Luna, tumama sa mukha niya habang mahimbing pa rin siyang natutulog.Pero hindi iyon nagtagal.Unti-unti siyang nagising.Napakurap siya, saka dahan-dahang bumangon.Saglit siyang napatingin sa paligid… parang sinusubukang alalahanin ang lahat ng nangyari.At nang maalala niya…napapikit siya.“Aiden…”Mahina niyang bulong.Samantala, sa baba, abala si Aurora sa pag-aayos ng mesa.“Mom, dapat pag gising ni ate Luna may breakfast na siya,” sabi nito.Ngumiti si Celestine. “Yes, baby.”Si Adrian naman ay tahimik lang, nagbabasa ng newspaper pero paminsan-minsan ay napapatingin sa hagdan.Maya-maya, bumaba si Luna.“Good morning…” mahina niyang bati.“Good morning!” masiglang sabi ni Aurora. “Come here, ate! Kumain ka na!”Ngumiti si Luna at umupo.“Thank you.”Habang kumakain, ramdam niya ang normal na atmosphere.Tahimik.Payapa.At biglang…may kumurot sa puso niya.Ito ang gusto niyang buh
Tahimik ang biyahe pauwi. Si Luna ay nakasandal lang sa upuan ng sasakyan habang nakatingin sa bintana. Ang ilaw mula sa labas ay dumadaan sa mukha niya, pero hindi nito natatabunan ang pagod at bigat na nararamdaman niya.Si Victor naman ay nagmamaneho, paminsan-minsan ay sumusulyap kay Luna.“You okay?” tanong niya.Tumango lang si Luna. “I said I’m fine.”Napabuntong-hininga si Victor. “You always say that.”Hindi na sumagot si Luna.Pagdating nila sa bahay, agad na bumaba si Luna.Pagpasok niya…nandoon sina Celestine, Adrian, at Aurora.Halatang-halata ang pag-aalala sa mga mukha nila.“Luna!” agad na lumapit si Celestine. “Are you okay? Nasaktan ka ba?”Sumunod si Aurora. “Ate Luna! Grabe yung nangyari! Natakot ako!”Si Adrian naman ay seryosong nakatingin.Ngumiti si Luna nang bahagya.“I’m okay. Tapos na ang lahat.”Napatingin silang lahat sa kanya.“Hindi na makakalabas si Bianca,” dagdag niya. “Hindi na niya tayo masasaktan.”Natahimik ang lahat.Unti-unting nawala ang tensy
Tahimik ang paligid matapos umalis ang helicopter. Nakatayo pa rin si Luna sa gitna ng villa, habang unti-unting inaayos ng mga tauhan ang lugar. Ang iba ay kinukuha ang mga ebidensya, ang iba naman ay sinisiguradong wala nang natitirang banta.Lumapit si Victor, naka-cross arms habang nakatingin kay Luna.“You know… ngayon ko lang na-realize kung gaano ka ka-dangerous.”Bahagyang ngumiti si Luna pero hindi ito umabot sa mata niya.“Too late realization.”Napailing si Victor. “Seriously, Luna… kung hindi pa kita kasama sa mission na ‘to, hindi ko pa malalaman na ganito ka pala kalakas.”Napatingin si Luna sa mga babaeng inililigtas kanina.“Hindi ko choice maging ganito.”Mahina pero matatag ang boses niya.Tumahimik si Victor.Alam niyang may lalim ang sinabi ni Luna.“Let’s go,” sabi ni Luna. “Tapos na tayo dito.”Tumango si Victor.Habang naglalakad palabas, dumating ang isang itim na sasakyan.At doon bumaba si Aiden.“Aiden…” bulong ni Victor.Napalingon si Luna.At nang makita n
Unti-unti, parang umagang dahan-dahang sinisinagan ng araw ang madilim na kwarto, nagsimulang bumalik ang sigla ni Luna. Hindi ito biglaan. Walang isang araw na paggising lang niya ay okay na ang lahat. Sa halip, ito ay mabagal, masakit, at puno ng luha… pero totoo.Sa unang mga linggo pagkatapos n
Hindi pa rin agad nawawala ang takot at kaba ni Luna. Kahit ligtas na siya, kahit nasa bahay na ulit nina Celestine, may mga sandaling napapahinto siya sa ginagawa… lalo na kapag nagkakamali. Isang basag na baso, natapong gatas, o maling sagot lang sa tanong, bigla na lang siyang napapaatras, nanin
Mabilis na dumaan ang mga araw matapos ang unang hearing, pero para kay Luna, parang bawat oras ay mabigat. Ang pangalawang hearing ang kasunod, at mas ramdam na niya ang tensyon. Mas marami nang tao sa korte… media, social workers, at mga taong gustong malaman ang buong katotohanan. Mahigpit na ha
Nakauwi na si Luna sa bahay nina Celestine, at unti-unti niyang nararamdaman ang ginhawa at seguridad na matagal na niyang hinahanap. Kumakain na rin siya ng tama at may sustansiya… hindi na puro tira-tira lang o luma at mabahong pagkain. Pinapakain siya ng maayos ni Celestine, at inaalagaan ng mab







