Marahang hinaplos ni Cedrick ang ulo ng bata, may lambing sa boses habang nakangiti. “Ang baby natin ang magiging pinakamasayang prinsesita sa buong mundo.”Tumawa si Alissa at hinalikan ang pisngi ng anak. “Yes, our little princess, you’re the happiest, right?” bulong nito, puno ng pagmamahal.Muli niyang binuhat ang bata at umikot-ikot sa sala, habang nagtatawanan silang tatlo, ang kanilang halakhak ay parang musika sa bahay, puno ng init at kasiyahan.Ngunit biglang nagbago ang tanawin.Nasa loob na sila ng isang lumang sasakyan. Madilim. Malakas ang ulan, at ang mga kidlat ay kumikislap sa labas ng bintana.Nanginig si Chloe, o Arienna, gaya ng tawag sa kanya, at mahigpit na kumapit sa yakap ng ina. Si Cedrick, na nasa kabilang upuan, ay marahang nagsalita, “Arienna, shh… it’s just rain, baby. Don’t be scared.”Ngunit bago pa siya mapakalma, isang malakas na “BANG!” ang umalingawngaw.Bahagyang umalog ang kotse. Mabilis na tumaas ang bilis, dahilan upang tumalim ang tingin ni Cedr
Last Updated : 2025-10-21 Read more