"Good Morning, sweetie."Ang masayang pagbati at nakangiti niyang mukha ang ang bumungad sa akin sa umaga ng magising ako.Ngunit masasabi ko pa bang umaga kung alas halos magtatanghalian na?Napagod ako kagabi at napasarap nga ang tulog ko, hindi naman niya ako ginising. Pareho naman kaming napuyat pero halata na maaga siya nagising."Gutom ka na ba?" tanong pa niya sa akin na doon ko napansin ang pagkaing nasa gilid ng kama.Umuusok pa iyon kaya halatang napapasok lang niya ng tamang nagising ako.Well, talaga naming nagising ako dahil naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko ng maamoy ko ang mabangong ulam.Tumago ako dahil iyon naman ang totoo."C'mon, I will carry you to the bathroom," sabi niya.Tatanggi pa sana ako at akmang kikilos na pababa ng kama ng makaramdam ako ng pagsidhi ng kirot sa balakang ko."You..."Ngumiti na lang siya sa nais kong pagsita sa kanya dahil nasobrahan ang pag angkin niya sa akin kagabi. Para ngang magkakapiraso ang katawan ko ngayon kung magpipilit
Huling Na-update : 2026-01-28 Magbasa pa