"Bata ka pa. Wala ka bang balak na humanap ng iba mong makakasama sa buhay mo?" tanong sa akin ni Papa.Napatingin ako kay Papa. I know what he is pointing to.Gusto niyang magkaapo na magdadala ng aming apelyido. Kaya niya iyon nasabi sa akin."Kung apo lang ang kailangan niyo, Papa, ay kaya ko iyang ibigay sa inyo. Pero kung sasabihin ninyong mag-aasawa ako ulit ay hindi ko mapagbibigyan ang kagustuhan ninyo."Kay bilis nga ng paglipas ng mga araw.Natapos na rin ako sa pagtulong sa kaibigan ko sa pagtuturo ng kanyang mga estudyante na umabot pa nga sa tatlong buwan at ganoon kabilis lumipas ang tatlong buwang pagtuturo ko sa kanila."Hindi ko hinangad na magkaapo nang walang basbas ng kasal niyo. Tandaan mo ito, Kianu. Kung balak mong magbayad ng babae para anakan ay sinasabi ko sayo, itatakwil kitang anak ko." pagbabanta pa ni papa sa akin."Papa, alam mong si Maureen lang ang...""Pero wala na si Maureen. Oo, nandoon na tayo na mahal mo si Maureen. Pero wala na siya, at bata ka p
Read more