"Talaga ba, Alora?" Sinimangutan niya ito para tumigil. "...Wala namang masama kung nagkakagusto ka na sa kanya. Mag-asawa naman kayo—" "Arya!" Ayaw niya nang marinig pa ang mga sasabihin nitong imposibleng mangyari. "Alam mo naman simula pa lang kung bakit niya ako pinakasalan, Arya. Isang gamit niya akong binili at pagmamay-ari na, para hindi mapakinabangan ng iba." Umiling si Arya sa tinuran niya. "Hindi ka naniniwala?" "I'm not talking about her, Alora," nangunot ang noo ni Alora sa hindi pagkakaintindi sa nais iparating ng kaibigan. "You. I was talking about you. Your emotions. You have feelings now for her—" "Lalong imposible 'yan, Arya. I hate her to death." Hindi kumbinsido si Arya. In denial ang kaibigan, pero malinaw sa kanya ang totoo rito. "Okay, sabi mo eh. Pero mag-ingat ka. For now, kaya mo pang kontrolin 'yan, pero kapag dumating na sa sukdulan, wala ka nang kawala, Alora." Lalong naiinis si Alora sa mga pinagsasabi ng kaibigan. Paano siya magkakagusto sa taong
Read more