Lumipas ang buwan na hindi bumalik sa kanyang bansa si Zendaya at nanatili sa mansyon, kaya naging close pa sila lalo ni Alora. Sa tuwing busy at wala sa mansyon si Zephyra, si Zendaya ang tanging naiiwan kaya napapadalas na siya ang nakakausap ni Alora. Napagtanto ni Alora na mabait naman talaga si Zendaya—mas open ito kaysa kay Zephyra. Marami na itong nai-share tungkol sa mga hilig niya at mga ganap niya sa buhay, samantalang ni isa ay wala siyang alam kay Zephyra. Maliban sa isa itong boss, negosyante, mayaman, at isang diyosa na may kambal, wala na siyang ibang alam pa patungkol rito. Maliban sa p********k, matulog nang magkatabi, at sa mga pinapahandang pagkain ni Zephyra pagkatapos, wala na silang ibang ugnayan pa. Hindi sila nakakapag-usap ni Zephyra nang madalas at malalim o patungkol sa kanilang mga sarili, gaya ng set-up nila ni Zendaya na pati ata favorite color nito ay nalaman na niya. "So you love taking care of them, huh?" nakuha ni Zendaya ang atensyon ni Alora kaya
Read more