Ciara's point of view Nagising ako sa silaw ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng condo ni Caden. Ang sakit ng ulo ko ay parang may martilyong pumupukpok sa bawat gilid ng bungo ko. Ramdam ko rin ang bigat ng mga braso nina Caden at Kate na nakadagan sa akin, magkakasama kaming sumalampak sa faux fur floor mat kagabi hanggang sa mawalan na ng malay. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Amoy alak pa rin ang paligid, hinaluan ng amoy ng malamig na pizza at ang pamilyar na pabango ni Caden. Sinubukan kong gumalaw, pero agad na umalingawngaw ang reklamo ni Kate sa tabi ko. "Argh... Ciara, stop moving. My brain is literally vibrating," ungot ni Kate, ang buhok niya ay gulo-gulo na at ang mascara niya ay kalat na sa ilalim ng mga mata. "Gising na, mga mima," bulong ni Caden na nakadapa pa rin, ang boses niya ay manly na paos na parang galing sa isang linggong konsyerto. "Kailangan nating mabuhay. Hindi pa tapos ang giyera." Matapos ang mahabang serye ng pag-ungol at pag-in
Terakhir Diperbarui : 2026-02-07 Baca selengkapnya