Ciara's point of view Sumapit na ang dinner pero parang walang balak tumigil ang bibig ni Leila. Sa bawat subo namin, may side comment siya tungkol sa guestroom na kulang na lang ay lagyan ko ng padlock sa labas."Luca, cousin, seriously? Mataas naman na ang rank mo sa kumpanya nyo, right? Pero bakit 'yung guestroom niyo, parang setting ng horror movie? Ang alikabok, and the bed smells like... history," reklamo niya habang tinitusok-tusok ang pagkain na parang diring-diri siya. Tsk. Pati sa pagkain nawalan na ng respeto.Inirapan ko siya bago ako uminom ng tubig. "Kung ayaw mo ng history, Leila, may hotel sa kabilang kanto. Modern 'yun, walang multo, but definitely hindi libre.""Ciara, I was talking to Luca," taas kilay niyang sagot bago bumaling sa asawa ko na kanina pa walang imik. "Luca, can we talk? Just the two of us? Personal matter lang, you know, family things.""If it’s about family, it includes Ciara," maikling sagot
Terakhir Diperbarui : 2026-01-06 Baca selengkapnya